Magandang pagmasdan ang bawat Local Government Unit o lokal na pamahalaan na nagsisilbing Santa Claus ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Napagbibigyan ang lahat ng mga indibidwal at grupong humihiling sa lahat ng kanilang pagdiriwang, mapamalaki man o munting harapan saan mang sulok ng lalawigan.
Mga naiskedyul na Bulakenyo bawat bayan at siyudad na mabibigyan ng biyaya at pagpapala sa raffle na inaantabayan ng karamihan kundi man lahat ng ating mga kababayan.
Todo effort ang bawat pamahalaang lokal para pasayahin ang mga nasasakupang umaasa sa kanilang pagkalinga, na uuwi namang dala ang inaasam- asam na grasya para ipanalubong sa naghihintay na pamilya.
Kudos sa mga Kapitolyo, Munisipyo at maging sa mga pamahalaang barangay na pinaghandaan talaga ang panahon ng Kapaskuhan para sa mga nasasakupang Bulakenyo.
Sana nga lamang ay walang mapag-iwanan, yaong mga nasa liblib na lunan. Na ang tanging paga-asa ay maalala ng mga kawani ng barangay na pinakamalapit na namamahala at titingin sa kanilang kalagayan.
Isama na natin ang mga pilantropo, pribadong indibidwal, at mga korporasyon na ginagampanan ang kanilang social responsibility para makapagpasaya at maging Santa Claus din sa karamihan at sa talaga namang nangangailangan.
Merry Christmas Bulakenyos!!!
Masagana at Manigong Bagong Taon sa lahat!
Bumabati rin po ng isang Masagana at Manigong Bagong Taon si StingRay sa lahat ng giliw naming mambabasa sa pahayagang Mabuhay magmula pa noong taong 1980 maging sa social media ngayon.
Nawa’y pagkalooban tayo ng ating Dakilang Lumikha nang pagpapala at magandang buhay para sa ikauunlad ng ating bawat pamilya.
Iwasan ang mga negatibong bagay na makapagdadala ng hindi magandang kaganapan sa mga nakakasalamuha bagkus magfocus sa mga positibong aspeto na makapag-aangat sa estado nang sariling pamumuhay.
Happy New Year po sa lahat!!!