Sa una’y mapapahanga ka sa dedikasyong ginawa at ipinairal na sistema ng Commission on Elections o Comelec noong nagdaang Halalang Lokal at Nasyonal.
Lahat ay napapasunod, pati ang mga lokal na pamahalaan na sumailalim sa kanilang control sa panahon nang kampanyahan.
Kahit may mangilan-ngilang pasaway, karamihang kumakandidato ay takot na sumuway sa kanilang regulasyon at baka madisqualify sa kanilang minimithing posisyon nang panunungkulan.
Ngunit nang pumutok ang anomalya sa mga flood control projects ay tila kinakitaan natin nang pagkukulang ang nasabing constitutional body.
Kasagsagan nang imbestigasyon sa Kongreso at Senado nang maunang magpalabas si Comelec Commissioner George Garcia ng listahan ng mga maimpluwensyang politiko na tumanggap ng donasyon sa kanilang kandidatura mula sa napag-alamang mga kontraktor ng gobyerno.
Na mahigpit na ipinagbabawal sa batas dahil sa magigigng epekto nito sa magiging desisyon ng kanilang binigyan ng donasyon kapag manalo na ito sa eleksyon.
At tila pagbibigay nang magagamit na rason sa kanyang mga pinatamaan ay nagpahayag din agad si Commissioner Garcia, na kung personal ang pagkakaloob ng donor at hindi mula sa kompanya na pinamumunuan ay magiging lusot ang mga gumawa nito.
Natabunang isyu nang mala-teleseryeng pagdinig patungkol sa Mababa at Mataas na Kapulungang tinutukan ng Sambayanan na gulat sa lawak at sistematikong paraan ng korapsyong nalantad.
Kung hindi pa napaamin nang kaaya-ayang pakinggan na mambabatas sa katauhan ni Akbayan Party-list Chel Diokno at dahil sa malagayumang pagtatanong ay walang kahirap-hirap na napasagot si Lawrence Lubiano na Presidente ng Centerways Construction and Development, Inc. ng 30 milyong donasyon para kay Senador Chiz Escudero noong nakaraang halalan.
Na kahit personal ang pagbibigay ni Lubiano ng donasyon, hindi maganda sa panlasa ng mamamayan ang kanyang ginawa at nang iba pang may kahalintulad na sitwasyon.
Kaya nagising muli ang Comelec at agad na nagpahayag nang pagiimbestiga sa mga inaakala nilang lumabag sa kanilang regulasyon, na dapat ay dati pa nila ginawa.
Kung ating iisiping mabuti, ganoon pa rin naman ang magiging epekto at impluwensyang matatanggap ng mga donor sa kanilang mga binigyan, kahit personal or pagiging boss nila sa kompanya ang paraan nang pagbibigay nila ng tulong sa mga kandidato.
Butas nang batas na dapat amyendahan para wala nang palusot sa mga mapaglaro sa nilalalaman ng mga alituntuning pinaiiral.
Abangan na nga lang natin kung may desisyon bang ilalabas ang Comelec patungkol sa mga pagbibigay ng donasyon sa mga kandidato o matatabunan na namang muli ang isyung nangangailangan din nang kasagutan at mga personalidad na makakasuhan. ###