TUNAY NA KARANGALAN

Nagkasabay sabay ang pagtanggap ng mga parangal ng mga politiko sa Bulacan.

Mapa-Congressman, Provincial Boad Members, Mayors, Vice Mayors,  at mismong mga Councilors ng ilang bayan at siyudad sa buong lalawigan.

Maganda sa pakiramdam ng mga binigyang pagkilala mula sa iisang award giving body, pakonsuwelo sa kanilang outstanding performance na inialay sa kanilang nasasakupan.

Nguni’t kung ang mismong parangal ay may kaakibat na kabayaran, na kahit sa mismong bulsa pa ng politiko nagmumula, ay maituturing na isang huwad na karangalan.

At iba pa nga’y kinukuha sa kaban ng bayan, na lalong lumalagpas sa pamantayan ng tunay na karangalan.

Hindi katulad ng mga parangal na iginagawad ng mga Ahensya ng Pamahalan, na nagbibigay ng taas ng antas nang paglilingkod ng mga derserving na public servants at may kaakibat pang gantimpala para sa kanilang pinamamahalaan.

KONSEHAL DABOY PALOMARES, DAPAT PAMARISAN

Noong buwan ng Setyembre ay naikolum natin ang kalakihan ng sahod ng mga politiko kaya naeenganyo ang ilan at ginagawang hanapbuhay ang politika lalo na sa municipal at barangay level.

At isang hamon ang ating binitawan kung sino sa mga lingkod bayan ang makakagawa na huwag kunin sa kaban ng bayan ang suweldo na sa kanya’y inilaan.

O kaya’y ilaan ang kabuuang halaga sa adbokasiyang makababawas sa napakaraming pangangailangan nang nasasakupan.

May nanalo na po sa aking panawagan! Namonitor po ni StingRay na si Konsehal Ronaldo “Daboy”  Palomares ng Lungsod ng Meycauayan ay buong pusong ipinagkakaloob ang kanyang sahod sa nasasakupan.

Suweldo’y kanyang inilaan para sa Meykawenyong higit ang pangangailangan, lalo na ngayong may kalamidad na nagdaan.

Gaya rin na aking nabanggit sa aking pitak, may gantimpala kang nakalaan mula sa Kaitaas-taasan.

Alam nyo na po ang gagawin mga kababayan kong Meykawenyo, tumatakbo pong muli si Konsi Daboy bilang Konsehal sa darating na halalan.

Maging instrumento nawa kayo sa pag-aabot ng gantimpala kay Konsi Daboy mula sa Poong Maykapal.

Isa na naman pong halimbawa nang isang tunay na paglilingkod! Sino pa po ang susunod?