StingRay

Malaki na ang naging sigalot sa pagkakaisa nina President Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Kung dati’y sobrang lakas ng kanilang tambalan at sobrang tibay ng kanilang samahan sa ilalim ng alyansag UniTeam, ngayo’y mabilis ang kanilang pagkakalayo dahil sa mga kaakibat na isyung pinupukol ng bawat kaalyado ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Ano nga ba ang naging dahilan nang kanilang pagkakaiba ng landas?

Matatandaang isa sa senyales na nagkalamat ang kanilang samahan nang magbitiw bilang Secretary ng Department of Education si Vice President Sara.

At kalauna’y ipinatawag sa House of Congress para magpaliwanag sa kuwestiyonableng paggasta sa kanyang termino bilang Kalihim ng DepEd.

Nasundan pa ng pagdinig sa Kongreso ukol sa confidential funds ng Office of the Vice President, na humantong sa pagkaka-contempt ng Chief-of-Staff ng Bise Presidente.

Na sa tingin ni VP Sara ay pagmamaniobra ni Pres. Bongbong sa pamamagitan ni Speaker Martin Romualdez, na siyang puno ng Mababang Kapulungan.

Sa isang video na kumalat sa social media bago sa mga mainstream media, isang pagbabanta ang ginawa ni VP Sara sa buhay ni Pangulong Bongbong, First Lady Liza at Speaker Martin kung sakaling mapatay siya dahil nangangamba rin siya sa kanyang seguridad.

Sinundan nang pagtawag ni dating Pangulong Digong Duterte kay Pres. Bongbong na isang drug addict na Commander-in-Chief at kalauna’y hinimok ang Armed Forces of the Phlippines na makialam na.

Sa hanay din ng mga Duterte ang panawagang magpunta sa EDSA upang magprotesta, na hindi naman kinagat ng mas karamihang Sambayanang Pilipino.

Sa pahayag naman ni Pres. Bongbong ay aksaya lang sa oras kung pafile-an ng impeachment case ang Bise Presidente, nguni’t 1 araw lang ang lumipas ay may ilang Civil Society Organization na ang nagsampa ng Impeachment Complaint laban kay VP Sara.

Kasama sa mga nagfile ng impeachment complaint sa Kongreso sina dating DOJ Secretary Leila de Lima, na naipakulong sa panahon ni Pangulong Duterte at Akbayan Party-List Representative.

10 session days para alamin ng Kongreso kung sufficient in form and substance ang inihaing reklamo.

At sa una pa lamang ay nagpahayag na ang Secretary General ng Kongreso na 9 na session days na lamang ang nalalabing working schedule ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Abangan…!