BAYAN NG GUIGUINTO, Bulacan – Inilibot ni Dr. Richard Nixon Gomez, President and Chief Executive Officer ng Bauertek Corporation, ang mga opisyal at miyembro ng Bulacan Press Club, Inc o BPCI kasama si Kinatawan Ambrosio “Boy” Cruz, Jr., ng Ika-5 distrito ng lalawigan nitong Huwebes, Oktubre 26 sa manufacturing plant nito sa Brgy. Kabilang Bakood ng bayan na ito.
Ang Bauertek o Farm Technology ang nangungunang pharmaceutical at nutraceutical na kompanya sa bansa, na gumagawa ng gamot, food supplements, at cosmetics.
Lisensyado ng Food and Drug Administration at Department of Health para gumawa at magbenta ang 3 taon nang korporasyon, kung saan ang pinoproseso nilang produkto ay Halal certified din.
Ipinaliwang ng imbentor at scientis na si Dr. Gomez isa-isa kay Kint. Cruz at kasapi ng BPCI habang ipinapakita nang aktuwal, ang mga prosesong pinagdaraanan ng ginagawa nilang gamot sa kanilang sanitized na pasilidad na sumusunod din sa pangdaigdigang pamantayan.
Ninanais nang Bauertek na suplayan ng mga nagawang nakapatent na produkto, maging ng mga raw material ang iba’t-ibang bansa.
Katuwang ng Bauertek ang ilang ahensya ng pamahalaan at mga institusyon sa edukasyon para makaimbento nang pinakamataas na kalidad na sangkap na kinakailangan sa paglikha ng produktong world class.
Pagkatapos ilibot ni Gomez ang mga Bulakenyong panauhin sa kanyang stat-of-the-art na pasilidad, isang pulong balitaan ang isinagawa sa kanyang ipinagawang studio, para maipaliwang nang maigi ang kabutihang dulot ng kanilang nililikhang produktong pangkalusugan.
Ayon kay Dr. Gomez na isa ring Certified Naturopath Practitioner, ilan sa mga produktong pinagmamalaki nila ang Picur, Jamperine, Sambacur Plus, Moringacur Plus, Gojicur Plus, PNP Pro Nitro Plus, PNL Pro Nitro Lite, RLF, CAP2020, Relax NBS 201, Rcall NBS 202, at Mithri.
Makatutulong nang malaki sa pagpapabuti ng kalusugan ng isang indibidwal base sa personal niyang kalagayan ang mga prodkuktong pinagsumikapang tuklasin ng mag-amang imbentor at scientist na sina Richard at Rigel Gomez.
Isang pasabog din ang inihayag ni Gomez, na isinusulong nila ngayon na payagan na ang medical cannabis sa bansa at nakahain na sa Kongreso at Senado ang nasabing panukala, kung saan kasama ang imbentor sa Technical Working Group ng dalawang kapulungan.
Idinagdag pa ni Dr. Gomez na humigit sa 60 bansa na ang gumagamit ng medical cannabis, na makatuulong nang malaki lalo na sa mga nakakaranas ng epileptic seizure at Alzheimer’s disease. – Ni Harold T. Raymundo