Tumanggap ng tulong pinansyal ang may 860 Bulakenyong kabataan mula sa Department of Social
Welfare and Development o DSWD sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan
noong Sabado, Setyembre 3 na ginanap sa Bulacan Sports Complex, Lunsod ng Malolos, Bulacan na naglalayong
makatulong upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral sa panahon ng krisis o
emergency. Nasa larawan din sina (mula kaliwa) pinuno ng Provincial Social Welfare and Development
Office Rowena Tiongson, Concurrent OIC-Regional Director at Assistant Regional Director for
Operations Venus Rebuldela ng DSWD at kanilang mga kawani. – DSWD