“Unahin natin ang kaligtasan ng bawat isa”.
Ito ang malungkot na pahayag ni Senador Bong Go sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine.
Ayon kay Go, sisikapin ng kanyang Malasakit Team na makatulong agad sa mga calamity stricken areas.
Sa kasalukuyan mahigpit na nakikipag-ugnayan na si Senador Bong Go sa pamamagitan ng kanyang Malasakit Team sa mga local government executives kung ano ang maitutulong ng kanyang opisina.
Ayon pa kay Go, laging bukas ang kanyang Opisina at tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya.
Aniya, bilang chairman ng Senate Committee on Health, Sa mga nangangailangan naman ng medical assistance, kapag ligtas na at humupa na ang sitwasyon, huwag mag-atubiling gamitin ang Karapatan sa Malasakit Centers sa kanilang mga lugar.
Aniya, “pera ng Pilipino yan! Ibinabalik lang sa inyo”.
Kaugnay nito, nanawagan si Senador Bong Go sa mamamayan na isama sa kanilang panalangin ang mga kababayan nating nasalanta para muling makaahon sa dinadaang kalamidad.