LUNSOD QUEZON – Inilapat ng Korte Suprema (KS) ang Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) sa pagtitiwalag ng isang abogado dahil sa pamemeke ng utos ng korte.
Sa sesyon ng Korte Suprema nitong Agosto 22, ipinahayag ng Court en banc sa 11-pahinang per curiam decision nito na nagpapataw ng pinakamabigat na parusang disbarment kay Atty. Ariel D. Maglalang dahil sa panghuhuwad ng umano’y order na may petsang Agosto 2, 2006 sa Civil Case No. 206-16977, granting a purported petition for presumptive death ng esposo ng kanyang kliyente.
Pinalabas ni Atty. Maglalang na nagsampa siya ng naturang petisyon para sa kanyang kliyente, na sa katotohanan, inutusan siyang magsampa hindi ng petisyon para sa presumptive death kundi petisyon para sa kawalan ng bisa ng kasal.
Kanya ring pinalabas na ang petisyon ay dininig at pinagbigyan ni Judge Ray Alan T. Drilon ng Bacolod City Regional Trial Court Branch 41.
Minsan noong Pebrero 2006, kinuha ng kanyang kliyente si Maglalang bilang abogado para magsampa ng petisyon para sa deklarasyon ng kawalan ng bisa ng kasal, kung saan siya ay humingi at tumanggap ng P100,000.
Ginarantiyahan nya na makakakuha sya ng paborableng desisyon sa loob ng tatlong buwan.
Subalit, sa kabila ng maraming follow up, nabigo si Maglalang na iapdeyt ang kanyang kliyente sa katayuan ng kaso.
Noong Nobyembre 2006, binigyan nya ng huwad na utos ang kanyang kliyente na nagdeklarang presumptively dead “for all purposes” ng esposo ng kanyang kliyente alinsunod sa Article 390 ng Civil Code.
Noong 2008, nalaman nina Judge Drilon at Clerk of Court Atty. Corazon Romero ang pag-iral ng huwad na utos at humingi ng tulong ng National Bureau of Investigation, na humantong sa pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Atty. Maglalang.
Sa pagtukoy sa pananagutan ni Atty. Maglalang, inilapat ng Korte ang ipinahayag kamakailan lang na |CPRA, na nagkabisa noong Mayo 29, 2023.
Malinaw na nagbibigay ang CPRA sa mga probisyon nito “shall be applied to all pending and future cases, except to the extent that its retroactive application would not be feasible or would work injustice, in which case the procedure under which the cases were filed shall govern.”
Muling inulit ng Korte ang pag-aakala na ang kawalan ng kasiya-siyang paliwanag, ang isang makitaan na nag-aari ng huwad na dokumento at gumamit at nagwika ng ganoon ay itinuturing na manghuhuwad.
Kumbinsido ang Korte, base sa ebidensya, na si Atty. Maglalang ang may akda at gumamit ng huwad na utos. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.