Iginawad nina Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino, kinatawan ni Gobernador Daniel R.
Fernando, at Dr. Eliseo S. Dela Cruz, pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office, ang
premyong P40,000 at tropeo kay John Errol P. Pascual mula sa Bayan ng Calumpit sa pagkakapanalo nito ng
unang gantimpala sa Bulacan Festival Costume Expo sa isinagawang awarding ceremony nitong Miyerkules, Setyembre 15 sa
Bulacan Capitol Gymnasium, Lunsod ng Malolos, Bulacan. Kasama rin sa larawan sina Calumpit Tourism Officer
Sherryl Pangan at Municipal Councilor Mau Ilagan Torres. INSET: Ang panalong obra ni Pascual na modernong
yari ng kasuotan ng mga katipunero na hango kay Trinidad Perez Tecson na kilala bilang “Ina ng Biak-na-Bato”
at “Ina ng Pulang Krus.” — PPAO