LUNSOD QUEZON — Isiniwalat ni Kalihim Larry Gadon, Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary na ang mga reclamation project sa Manila Bay ay makakatulong nang malaki sa bansa.
Sa pulong balitaan sa Partners Media Forum sa Lunsod Quezon nitong Huwebes, Setyembre 14, sinabi ni Gadon milyun-milyong trabaho ang malilikha ng reclamation projects sa Manila Bay kapag natapos ang mga ito at matayuan na ng mga gusali at negosyo.
Idinagdag ni Gadon na 160 ektaryang lupain ang ibabalik sa gobyerno bilang recurring investment.
Binigyang diin ni Gadon na maling impormasyon ang naibigay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Kung kaya suspendido ang operasyon ng reclamation projects sa Kasalukuyan.
Idinagdag pa ni Gadon na gagawa siya ng Executive Summary tungkol sa katotohanan sa likod ng reclamation projects at isasubmit nya ito kay Pangulong Marcos.
Sinabi pa ni Gadon na bilyon-bilyong piso ang kikitaing buwis ng gobyerno mula sa reclamation projects na pagtatayuan ng mga gusali at establisyemento na siyang lilikha rin ng milyun-milyong trabaho.
Ayon pa rin kay Gadon, di totoong di na matutunghayan ang pamosong Manila Sunset sa Manila Bay, bagkus ay magkakaroon pa ng 12 kilometrong habang lugar kung saan makikita ang Manila Bay Sunset. —
Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.