Iginawad nina Panlalawigang Tagapangasiwa Antonette V. Constantino na kumatawan kay Gob. Daniel R. Fernando,
at Provincial History, Arts, Culture and Tourism Officer Dr. Eliseo S. Dela Cruz ang tseke na nagkakahalaga ng P80,000
at tropeo kay Hagonoy Tourism Officer John Paul Manlapaz matapos manalo ng Bayan ng Hagonoy ng unang
gantimpala sa Singkaban ng Bayan: Arc Making Competition kasabay ng isinagawang awarding ceremony ng Indakan
Sa Kalye 2022 nitong Miyerkules, Setyembre 15 sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lunsod ng Malolos, Bulacan. INSET: Ang panalong entry ng Hagonoy na pinamagatang ‘Arkong Kinayas ng Hagonoy 2022” tampok ang Patrona ng Bayan at ang Pambansang
Dambana ni Sta. Ana na lulan ng isang maliit na Bangka na sumisimbolo sa Palaisdaan Festival na may mga disenyong
lumang kasangkapan sa pagsasaka at pangingisda, mga parol, halaman at bulaklak na yari sa kawayan. — PPAO