Gadon, nakikipag-usap sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno kaugnay sa poverty alleviation
LUNSOD QUEZON — Ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan ay kinokonsulta ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Lorenzo “Larry” Gadon upang matugunan ang mga isyu at problema ng mga mahihirap na pamilyang Filipino.
Sa Pandesal Forum sa Lunsod Quezon kasama ang moderator na si Wilson Lee Flores nitong Martes, sinabi ni Gadon na “Nakikipag-usap kami sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno upang malaman ang mga isyu at problema kaugnay sa poverty alleviation.”
“Ang mandate namin ay to recommend, monitor poverty situation and address them in order to alleviate poverty,” dagdag ni Gadon.
Ayon pa kay Gadon, “Gusto naming palabasin na corporate social responsibility kasama ang PTA (Parents Teachers Association) ang feeding program (Batang Busog, Malusog).”
“Mayroong ipinasang batas si dating Presidential Spokesman at party-list Rep. Harry Roque, Jr. tungkol sa school feeding program pero dii naisakatuparan,” paliwanag ni Gadon.
Ibinida nya na”Mayroong 10-point agenda ang presidential adviser on poverty alleviation na pinag-uusapan nila ni PBBM (President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.).”
“Subalit, wala pang public area na identified kung saan isasagawa ang aming programa sa feeding program,” wika ni Gadon.
Binanggit ng presidential adviser for poverty alleviation na “Sang-ayon sa PSA (Philippine Statistics Authority), ang poverty incidence ay 18 percent nationwide with 20 million Filipinos or around 3 million families.”
“Kapag tinanong ang mga taga Forbes Park (Magallanes Village, Makati City), syempre sasagot sila nang mayaman silang lahat at kapag ang mga taga Payatas (Quezon City) ang tatanungin, syempre sasagot sila na mahirap silang lahat,” ipinunto ni Gadon.
Bagaman inamin nya na “Wala akong inspiring song para ma-inspire ang mahihirap.”
“Ang instruction ng Pangulo (PBBM) ay ‘one government approach’ to alleviate poverty,” ayon kay Gadon.
“Kasama na rin ang Barangay Development Program kasama sa one government approach para sa poverty alleviation,” pagmamalaki ni Gadon.
Idinagdag nya na “Ang NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict) ay nakatulong sa pagsurender at pagbalik sa fold of the law ng maraming NPA (New People’s Army).”
“May pondo na P18 bilyon, pero bumaba nang bumaba sa P10 bilyon para sa 2024 na katulad sa 2023 GAA (General Appropriations Act),” pagtatapos ni Gadon. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.