LUSOND QUEZON — Sinampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o ang “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” sa Office of the Ombudsman ni Hernando Compendido ang kanilang Punong Barangay na si Alfredo ‘Freddy’ Roxas ng Barangay Kaligayahan ng lunsod na ito.
Ayon sa sinumpaang salaysay ni Compendido, siya ay naglingkod bilang isang Public Safety Officer sa kanilang Barangay noong Enero 2016 hanggang Hunyo 2022 at tumatanggap siya ng buwanang sahod na may halagang P11,500.
Pero dahil siya raw ay na-stroke ay pinatigil muna siya ng kanilang Barangay Captain na si Roxas sa kanyang pagtatrabaho at ang kanyang huling natanggap na sweldo ay noong Hunyo 2022.
Nang naging mabuti na raw ang kanyanang kalagayan ay muli daw siyang nakipag-uasap sa kanilang Brgy. Captain na si Roxas, upang muling makabalik sa kanyang trabaho. Subalit lingid sa kanyang kaalaaman ay siya na pala ay tuluyang tinaggal sa kanyang trabaho ng wala man lang siyang notice na natanggap.
Pero ang masaklap pa raw sa kanyang kalagayan, ay ng mapag-alaman niya na kasama pa rin daw siya sa payroll ng kanilang Brgy. hanggang Disyembre 2023.
Kasama rin daw ang kanyang pangalan sa isumiteng Annual Budget ng Barangay ni PB Alfredo Roxas na may petsang October 5, 2022 sa mga miyembro Sangguniang Panlunsod Quezon
Noong Enero 24, 2023 ay agad naman daw naaprubuhan ang Budget ng Barangay Kaligayahan na kasama ang kanyang pangalan para sa buong taon.
Dahil dito ay nagpasyas na siyang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ang kanilang Barangay Chairman na si Alfredo ‘Freddy’ Roxas. Naniniwala rin siya na isa siya sa ginawang ghost employee ng kanilang Barangay Kapitan. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.