LUNSOD QUEZON – Inihayag ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Dr. Atty. Persida Rueda-Acosta na magsasagawa ang PAO at ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ng Media Summit sa Bay Leaf Hotel sa Maynila sa Setyembre.

Sa seremonya ng pagtataas ng watawat, sinabi ni Acosta na nilagdaan na ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng PAO at PTFoMS upang ganapin ang Media Summit na lalahukan ng mga opisyales at miyembro ng Quezon City Press Club (QCPC).

Ipapadala na lamang ang imbitasyon sa QCPC sa tamang panahon, dagdag ni Acosta.

Samantala, pinagkalooban ng plake ng pakilala ng QCPC si PAO Chief Acosta bilang pagkilala sa natatanging serbisyo publiko at walang sawang pagtulong sa mga nangangailangan sa mahabang panahon.

Nagkataon naman na magdiriwang ng kanyang kaarawan si PAO Chief Acosta bukas, Martes, Agosto 15.

Di matatawaran ang mga pagpapakasakit at sakripisyo ng PAO sa mga nagdaang administasyon at maging sa kasalukuyan. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.