LUNSOD QUEZON – Ibinulgar ni Dr. Richard Nixon Gomez na isang scientist at inventor, na may 60 hanggang 70 bansa na ang gumagamit ng medical cannabis at napatunayan nila na mabisang gamot ito.
Sa Media Health Forum nitong Lunes, Agosto 14, sinabi ni Dr. Gomez na “out of the 10 proposed bills na naihain sa Kongreso at Senado sa aming TWG (Technical Working Group), one bill seems to be the most implementable among the bills na nakahain.”
“Kaunti na lang ang humaharang sa medical cannabis kumbaga nauubos na ang humahadlang,” dagdag ni Dr. Gomez.
“Look at it at global perspective,” pahayag ni Dr. Gomez, “maraming lider after ng kalahating siglo na ipinagbabawal ang medical cannabis at unti-unti nalalaman na ito pala ay nakakatulong.”
“Tinatanggap na ng mgaraming doktor, hospital, scientist at 60 countries going 70 counties ang gumagamit na ng medical cannabis. Napatunayan na nila,” paliwanag ni Dr. Gomez.
“It is a question of whether this year ba o next year na papayagan ang medical cannabis sa Pilipinas, pero kung minamalas sa 2025, pero malamang sa 2024,” wika ni Dr. Gomez.
Si Dr. Gomez, na President at Chief Executive Officer of Bauertek Corporation, ay nagsabing maraming kabutihan ang idinudulot ng medical cannabis sa buong mundo.
“Yung buong proposed bill, binasa per line per word. Pinalitan. Ang sabi ang papayagan ang cultivation at manufacturing sa government property. Ngayon, i-aallow ang private company basta sa cultivation at manufacturing ay pasok ang Bauertek dyan,” saad ni Dr. Gomez.
Si Dr. Gomez, na general manager din ng Bauertek, ay sinabing “hindi pwedeng ang cultivation ay dumiretso sa manufacturing. Initial processing, pre-processing at extraction at bago pa ang manufacturing at distribution. Initial cultivation because that would require a separate license to cultivate at separate license to manufacture at distribute.”
Nagbabala pa si Dr. Gomez na kapag di nacorrect, the law cannot be implementable. It should be not within five kilometers from schools, universities, colleges and residential areas. Baka tuktok ng bundok na yan which is not possible.
Hinalimbawa pa niya na mula Lunsod Pasay hanggang Corregidor is five kilometers away.
Ipinaliwanag pa ni Dr. Gomez na una nagkaroon ng proposed bills, pagkatapos nagkasundo sa TWG na iprepresent lahat ng amendments na pinag-usapan last week pagkatapos pipirmahan ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla at ididiscuss sa plenaryo at kakailangan ang tulong ng lahat. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.