News organizations sa bansa, kasama sa binisita ng UPI
LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Napasama sa listahan mula sa mahalagang
panahon ni Vice Chairman Youngjun Kim ng United Press International o UPI ang
pagbisita niya sa Bulacan Polytechnic College Malolos City Campus nitong
Miyerkules, Agosto 9 sa lunsod na ito.
Sa ikatlong araw nang pagdalaw ni Vice Chairman Kim sa bansa, dinaluhan niya
ang isang pagtitipon kung saaan, nakapagbahagi siya ng magagandang mensahe
para sa kabutihan ng mga mag-aaral ng BPC.
Sinalubong si Kim ng mga opisyales ng BPC sa pangunguna ni OIC President Dr.
Janet R. Valdez, Vice President for Academic Affairs Dr. Monet Sison, at Vice
President for Finance and Administration Engr. Armand Giron
Sa kanyang mensahe sa harapan ng kabataang mag-aaral ng BPC, pinaalalahanan
sila ni Vice ChaKim na maging mabuting halimbawa dahil kinakatawan nila ang
kinabukasan ng bansa.
“You represent the future of this nation and I would like you to be the good
models for the society,” ani Kim.
“You have the opportunity to study here and take that opportunity to be the best
person you can be. You can decide for your future and not me. It doesn’t matter
how beautiful, tall, or poor you are because you are created by God,” he added.
“I don’t know what the major study you are not taking now. And when you
already have your job, what matters is whether we are on God side,” dagdag pa ni
Vice Chair Kim.
“What happens in the future we cannot predict. You have bright future ahead of
you. You cannot control anything around you but you can deal with them,”
pagtatapos ni Vice Chair Kim.
Isa isa ring sinagot ni Vice Chair Kim ang mga mahahalangang katanungan ng mga
aktibo at matatalinong mag-aaral ng Main Campus ng Bulacan Polytechnic
College.
Sa kanya namang mensahe, sinabi ni Dr. Valdez na ang pagbisita ni UPI Vice
Chairman Youngjun Kim ay nagbukas ng Bagong BPC bilang Home of the Brave,
the Beautiful, and the Blessed. Matapang (Brave) ang mga BPC sa pagsuong sa
mga pagsubok upang maabot ang mundo. Ang BPC din ay tahanan ng may
magagandang (Beautiful) puso at kaisipan at ang BPC ay pinagpala (Blessed) na
makakatanggap ng libreng edukasyon mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng
Bulacan na pinamumunuan ng dynamikong pamamahala ni Gobernador Daniel R.
Fernando.
“Nagkakaisa kami sa BPC, sa paghahatid at pagtataguyod ng Bagong Bulacan
Polytechnic College sa pag-abot sa mundo at pagsasakatuparan nang pangarap ng
kabataan,” dagdag pa ni Dr. Valdez.
Nagtanghal din ang “Kislap Dance Troop” at isang awitin ang kinanta ng 2
estudyanteng opisyal ng Student Supreme Government ng pamantasan, para sa
ikasisiya ni Kim at ng kanyang mga kasamahan.
Bukod sa katungkulan ni Kim bilang Vice Chairman ng UPI, Senior Vice President
din siya ng Global Peace Foundation at Vice President ng Family Peace
Association.
Nakapaloob sa limang araw na pagbisita ni Vice Chairman Kim ng UPI mula Agosto
6 hanggang Agosto 10 ang magkakahiwalay na pagpupulong sa pagitan niya at ng
mga opisyal ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), Philippine
Press Institute, National Press Club (NPC), The Manila Bulletin, The Manila Times,
at ng Bulacan Press Club Inc.