Ipinapakita ni Crisiljefv G. Garrido, vice president ng Kilusang Bagong Lipunan o
KBL North Luzon at Omar M. Padilla bilang kinatawan ng lokal na dyarista sa
Bulacan, ang nilagdaang Media Partners Agreement nitong Sabado, Agosto 12 sa
Clear Water Resort and Country Club, Clark Freeport, Mabalacat, Pampanga.
Opisyal na magiging katuwang ng KBL North Luzon ang Pahayagang Mabuhay,
Ronda Balita, Bulacan Tribune, Dyaryong Tagalog at Dyaryong Pilipino para sa
pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa gaganaping pagtitipon nang nasabing
partido pulitikal sa Oktubre 20-21 sa Royce Hotel and Casino, Clark Freeport,
Mabalacat, Pampanga.