LUNSOD NQ QUEZON — Sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo, inihanda ng Manila Water and Emergency Preparedness Framework nito para maseguro ang suplay ng tubig sa mga kostumer at stakeholders nito sa publiko at pribadong sector kahit na sa panahon ng sakuna.

Kinikilala ng kumpanya ang kahalagahan ng kakayahang makaakma sa mga pagbabago sa kapaligiran bunsod ng nagbabagong klima.

Sa pamamagitan ng Framework, ang Manila Water ay patuloy na naghahanda at pinagbubuti ang kakayahan nito na nakaangkla sa tatlong haligi gaya ng Damage Prevention and Control, Preservation and Augmentation, at Rapid Recovery.

Para maiwasan ang pagkawasak ng dam at pagbaha sa La Mesa Dam portal, ipinatupad ng Manila Water ang rehabilitasyon ng spillway ng dam, pagpapalawak ng retaining wall, at dam instrumentation.

Ang La Mesa Dam ay nagsisilbing istratehikong reserba para magamit ng Manila Water at Maynilad sa panahon ng emergencies at reliability dam para makapagbigay ng madaliang suplay ng tubig.

Inilagay din ang floating pumps sa La Mesa Dam para mamonitor ang tining ng tubig lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Nagtayo rin ang Manila Water ng storm drains at nagpatupad ng flood proofing sa lahat ng pasilidad nito sa East Zone lalo na sa mga bahaing lugar gaya ng Lungsod ng Marikina.

Binili at ipinakalat na rin ang kagamitang pangbaha gaya ng folding boats at floating docks. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.