DOTr Asec and LTO Chief Vigor Menodza II

LUNSOD NG QUEZON – Nanumpa na sa katungkulan bilang bagong hepe ng Land Transportation Office o LTO si Atty. Vigor Mendoza II, sa harap ni Kalihim Jaime J. Bautista ng Department of Trasnportation o DOTr ngayong Martes.

Nagsisilbing Assistant Secretary din ng DOTr si Atty. Mendoza na opisyal nang gumanap sa kanyang tungkulin sa LTO bilang bagong pinuno

Ang mga opisyales ng LTO, regional directors, Chiefs of District, Licensing, at iba pang tanggapan ay dumalo sa kaganapan para saksihan ang mahalagang okasyon. 

Isang dating party-list representative at transportation official, ang pagtatalaga kay Mendoza ay agad inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. pagkatapos na siya ay personal na inindorso ni Kalihim Bautista at Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” C. Abalos, Jr.

Pinalitan ni Mendoza sa tungkulin si dating LTO chief Jay Art Tugade, na nagbitiw sa pwesto noong Mayo dahil sa di pagkakaunawaan sa transportation department. 

Bilang indibidwal na pinagkatiwalaan na mamuno sa operasyon ng ahensya ng pamahalaan na responsable sa malawak na land transportation-related functions, nangako si Mendoza na sisikapin nya nang buong husay na itaas ang performance nito sa bagong pedestal. 

Sinabi nya rin na bilang bagong LTO chief, ang kanilang pakay ay upang lalo pang palakasin ang serbisyo publiko at maseguro ang katangi-tanging kalidad. 

Inako ni Mendoza ang kritikal na papel para maseguro ang “effective, safe, and well-organized operations of land transportation systems” sa loob ng kanilang hurisdiksyon. 

Ang abugadong edukado ng Ateneo ay dating representante na kumakatawan sa sektor ng transportasyon at patuloy pa rin bilang chairman ng Party List Group 1 (United Transport Koalisyon, or 1-UTAK). 

Si Mendoza na kasalukuyang partner sa Malcolm Law Offices, ay magbibigay ng malawak na karanasan sa posisyon bilang dating Board Member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). 

Siya rin ang namuno sa delegasyon ng Pilipinas sa ASEAN Transport Summit sa Malaysia, na nagpapakita ng kanyang kakayahang makipagtalakayan sa ibang bansa at kolaborasyon. 

Nagsilbi rin si Mendoza bilang dating miyembro ng Board of Trustees ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC), na responsable sa operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa bansa. 

Ang mga karanasang ito ang nagpatingkad sa kanyang kakaibang kadalubhasaan kapwa sa mga sektor ng transportasyon at enerhiya.

Bilang naging resource speaker ng Philippine Property Market at iba’t-ibang international venues, kabilang na ang Asia Pacific Property Seminar sa Singapore, Department of Trade and Industry (DTI) Sponsored Foreign Investors’ Conference sa Hong Kong, at ang Foreign Investors Seminar sa Australia, ang kanyang kadalubhasaan sa larangan ay malawak na kinikilala. 

Nagsilbi rin siya bilang propesor sa De La Salle University, na nagbahagi ng kaaalaman sa pagbubuwis at repormang pangsakahan sa mga mag-aaral. 

Si Mendoza ay alumnus ng Ateneo de Manila University, nakumpleto nya ang pag-aaral mula grade school hanggang law school. 

Nang panahon nya sa Ateneo Law School, hinawakan nya ang katangi-tanging posisyon bilang opisyal ng Student Council at natalaga bilang isa sa mga editor ng Ateneo Law Journal/Bulletin, na nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa academic excellence and leadership. 

Ang kanyang mga espesyalisasyon ay public utilities, real property and energy law, corporate law, at litigasyon. 

Si Mendoza ay 60 taong gulang at miyembro ng Integrated Bar of the Philippines simula pa noong 1989. 

Siya ay kasal kay Fe Sy-Changco at mayroon silang tatlong anak. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.