2021 SEA GAMES SILVER MEDALIST – Buong pagmamalaking ipinrisinta sa mga Meycaueno ni Mayor Linabelle Ruth R. Villarica, nanalo at nagbabalik muling Congressman ng Ika-4 na Distrito ng Bulacan nitong nakaraang halalan, ang kababayang si Jhonny Morte ng Barangay Saluysoy matapos mag-courtesy call ang atleta sa kaniya nitong Huwebes, Hunyo 2 sa Tanggapan ng Punong Lunsod.

Nasungkit ni Morte ang ikalawang puwesto sa men’s freestyle wrestling category na 65kg para maiuwi ang silver medal sa katatapos lamang na South East Asian Games o SEA Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam noong Mayo 19.

Nauna nag sumali si Morte sa SEA Games taong 2013 at nanalo ng bronze medal at taong 2019 nang makapag-uwi namam ng silver medal para sa bansa. – Ni Harold T. Raymundo