LUNSOD QUEZON – Nilagdaan ng Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) ang isang kasunduan para palakasin ang kanilang samahan sa mainstreaming at pagpapasigla ng Gender and Development (GAD) sa sektor pantubig sa bansa.
Pinangunahan nina MWSS-RO Chief Regulator Atty. Patrick Lester Ty at Manila Water President at CEO Jocot De Dios, ang paglagda sa nasabing kasunduan, kasama sina MWSS-RO GAD Focal Point System Chairperson Atty. Claudine Orocio-Isorena, Manila Water Enterprise Regulatory Affairs Group Head for East Zone Atty. Kaye Celera, at ang mga kampeon ng GAD ng dalawang institusyon.
Sa ilalim ng Kasunduan, magkatuwang na magtatrabaho ang MWSS-RO at Manila Water, para bumuo ng isang pinag-isang komite na gagawa at mag-iimplementa ng iba’t-ibang inisyatibo na pagaganahin ang mga programang pantubig na gender-transformative bilang suporta sa United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs), partikular ang SDG 5 o Gender Equality at SDG 6 o Malinis na Tubig at Sanitasyon.
Lalahukan ng mga pangunahing stakeholder ng dalawang institusyon ang mga inisyatibong ito, na kinabibilangan ng mga lokal na pamahalaan, barangay at kostumers na dapat bigyan-diin ang gender at water nexus, kabilang ang papel ng kababaihan sa kanilang komunidad bilang pangunahing taga-kolekta at manager ng tubig.
Magbibigay ito ng mas malaking oportunidad sa malinis at inuming tubig, mga pasilidad pangsanitasyon na magdudulot ng ispesipikong pangangailangan ng kababaihan at marginalized sector, at best hygiene practices sa pamamagitan ng sanitasyon at hygiene education.
“Alam nyo namang lahat, ang tubig ay mahalaga dahil ang kababaihan ay apektadong makakamit ng malinis na tubig at sanitasyon. Bilang isa sa mga adbokasiya ng MWSS-RO, patuloy nating isusulong ang gender and development para masegurong may inklusyon, at walang maiiwan,” ani Atty. Ty.
“Sinusuportahan namin ito nang buong puso sapagkat mayroon kaming napakalakas na pagsusulong at adbokasiya [sa GAD]. Hindi ito adbokasiya, ito’y natural na bagay na ginagawa … Ang kababaihan ay talagang apektado ng hindi pagkakapantay-pantay na kasalukuyang hinaharap ng lipunan. Ang lagdaan dito, ito’y isang bagay na naglilista ng mga prinsipyo [sa GAD] na kailangan nating pagsikapang magkasama para matukoy ang mga konkretong hakbang para aktwal na alagaan itong marangal na pagsusumikap na mayroon tayo,” saad ni De Dios. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.