27.8 C
Bulacan
Sunday, February 5, 2023
Home Blog

“Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin” – Gob. Fernando

0
Nanumpa sa katungkulan si Gobernador Daniel R. Fernando bilang Punong Lalawigan muli ng Bulacan kay Executive Judge Olivia Escubio Samar nitong Lunes, Hunyo 27 sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lunsod ng Malolos. Sinaksihan ng pamilya ng gobernador ang kanyang panunumpa kasama si Michael Angelo, Special Assistant to the Governor na may tangan ng kopya ng Panunumpa sa Tungkulin.- Larawang Kuha Ni Harold T. Raymundo

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – “Wala tayong kapangyarihan sa ating mga sarili, maliban sa tiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating mga kababayan. Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin.”

Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang sarili at sa kanyang mga kapwa lingkod bayan sa panunumpa niya para sa ikalawang termino bilang ika-35 Gobernador ng Lalawigan ng Bulacan sa ginanap na “Pasinaya at Pagtatalaga sa Tungkulin ng Lahat ng Bagong Halal na Opisyal sa Lalawigan ng Bulacan”  nitong Lunes sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lunsod na ito.

Sinabi ni Fernando na hindi niya pinangarap o pinlano na maging dakilang anak ng lalawigan ngunit tinatanggap niya ito ng buong pagpapakumbaba.

“Sadyang mahiwaga ang kalooban ng Dakilang Lumikha. Tayo ay patuloy na namamangha sa gawa ng kanyang mga kamay. Paano nga bang ang isang ordinaryong tao na artista lamang kung turingan ay nabigyan ng karangalang manungkulan bilang ika-35 Gobernador sa mahigit na 400 taong kasaysayan ng dakilang Lalawigan ng Bulacan,” aniya.

Binalikan rin niya ang mga pangyayari sa nakalipas na tatlong taon at inalala ang mga pagsubok na kinailangan niyang malagpasan ilang buwan matapos niyang simulan ang kanyang unang termino.

“Ang nagdaang tatlong taon ay puno ng pagsubok at pighati. Hindi lamang para sa inyong lingkod kundi sa buong daigdig. Hindi madaling magsimula ang isang lider lalo na sa gitna ng pandemya, ang pinakamatinding krisis ng ating panahon,” anang gobernador.

Para sa hinaharap, sinabi niya na akma ang kanyang mga balakin para sa kinabukasan sa mga plano ni halal na Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. lalo na ang patungkol sa agrikultura, imprastraktura, at hanapbuhay.

Sa huli, nanawagan si Gob. Fernando sa kanyang mga kapwa opisyal ng gobyerno na magkaisa para sa lalong ikauunlad ng lalawigan at ng bansa.

“Mga kapwa lingkod bayan, gamitin natin ng mahusay ang pagkakataong ito. Ituon nawa natin ang lahat ng pagsisikap upang maitawid ang sambayanang minamahal mula sa kawalan patungo sa daloy ng oportunidad sa kabuhayan,” anang gobernador na nasa kanyang ikalawang termino.

Sa kabilang banda, pinuri ni dating Gobernador Roberto Pagdanganan ang mabilis na pagresponde ni Fernando laban sa pandemyang COVID-19.

“Tunay na inilapit ni Governor Daniel ang pamahalaan sa ating mga kababayan. Iyan ang maririnig mo kahit saan ka magpunta. Madaling lapitan at tunay na inilapit ang pamahalaan sa bayan. ‘Yan si Governor Daniel,” anang dating gobernador.

Samantala, kabilang sa iba pang lingkod bayan na nanumpa kahapon sina Bise Gobernador Alex Castro, mga Bokal, mga Kinatawan, mga Punong Bayan at Lunsod, mga Pangalawang Punong Bayan at Lunsod, at mga Konsehal.

Iskolar ng PSHS, nakatanggap ng international registration sa kanyang imbensyon

0
Ipinapakita at ipinapaliwanag ni Vaugh Matthew Valle (kanan), iskolar ng Philippine Science High School o PSHS-Central Visayas Campus sa Argao, Cebu ang paggamit ng kanyang imbensyon na tinawag niyang VISION, na tutulong sa mga may kapansanan sa paningin sa kanilang pang-araw araw na gawain. Kasama ni Valle sa pagkakalikha nang nasabing imbensyon na nakarehistro na sa World Intellectual Property Organization, ang kanyang gurong si Dr. Benito A. Baje (wala sa larawan). - Larawang kuha ni Harold T. Raymundo

LUNSOD NG QUEZON – Naiparehistro na sa World Intellectual Property Organization ang imbensyon ni Vaugh Matthew Valle, iskolar ng Philippine Science High School o PSHS-Central Visayas Campus sa Argao, Cebu.

Tinawag ni Valle ang kanyang imbensyon na VISION, kung saan naging katuwang niya sa pagkakalikha nito ang kanyang gurong si Dr. Benito A. Baje.

Makatutulong sa mga may kapansanam sa paningin ang VISION sa pamamagitan nang pagsusuot nito at pagbibigay sa kanila ng mga visual signal mula sa paligid nila na pinroseso ng maliit na bahagi ng naturang aparato o device.

Parang ordinaryong sunglasses lang ang aparato na makatutulong sa mga gagamit nito sa pang-araw araw nilang gawain.

May real-time feature ang VISION na pinapaganang maramdaman ang parating na tao at bagay para ma alerto ang gumagamit nito.

Mai-scan nito ang buong paligid para maipakita sa magsusuot nito ang lokasyon ng mga bagay sa kanyang kapaligiran.

May text-to-speech function din ang nasabing device na magtatranslate ng teksto sa berbal na salita na magagamit ng user kapag nakaencounter ng nakasulat na alituntunin at direksyon.

Hinikayat naman ni Executive Director Lilia T. Habacon ng PSHS System ang kanilang mga iskolar na protektahan ang kanilang mga imbensyon.

“It’s another feat for PSHS scholars. We encourage our scholars to obtain Intellectual Property Rights to protect the integrity of their works. We hope that this recognition inspire more Filipinos to research, innovate and protect their work,” ani Habacon.

Ilan pang mga imbensyon at inobasyon na Tatak Pisay, Orihinal ang Likha mula sa iskolar na kinatawan ng Central Visayas Campus at Main Campus ang buong pagmamalaking ipinaliwanag at ipinrisinta rin sa harap ng mga opisyal ng eskuwelahan at ilang mamamahayag sa pamamagitan ng video presentation  nitong Biyernes, Hunyo 17 sa PSHSC Conference Room, Diliman, Lunsod ng Quezon. –  Ni Harold T. Raymundo

Tiyakin na papakinabangan ng karaniwang tao ang mga research-DOST Sec. Solidum

0
Sinusuri ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. ang website na nilikha ng Bulacan State University (BulSU) para sa THRIVE Central Luzon o Technological Hive of Regional Innovation for a Vibrant Ecosystem na nagsisilbing branding para sa Regional Inclusive Innovation Centers (RIIC). Bahagi ito ng pinondohan ng ahensiya sa ilalim ng research and development. --Shane F. Velasco

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Binilinan ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr. ang mga imbentor at mananaliksik, na tiyaking makikinabang din ang karaniwang mga mamamayan mula sa kanilang mga likha.

Sa ginawang inspeksiyon ng kalihim sa resulta ng mga research and development sa Bulacan State University (BulSU), sinabi nitong bukod sa pagkakaroon ng kita ang matatagumpay na mananaliksik at imbentor, kailangang makinabang din ang bulsa at puso ng ibang tao.

Ito aniya ang lilikha ng yaman para sa mga MSMEs sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng mga naimbento sa larangan ng agham at teknolohiya. Gayundin ang pagkakaroon ng oportunidad upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng karaniwang Pilipino.

Aabot sa P27 milyon ang halaga na naitulong ng DOST sa iba’t ibang research and development ng pamantasan sa nakalipas na halos limang taon.

Sa loob ng halagang ito, pinakamalaki ang P10 milyon na ipinagkaloob ng DOST sa pagbubuo ng B.A.R.A.S. Technology Business Incubation (TBI). Ito ay nakatutok sa Business Assistance for Research Acceleration and Sustainability upang magsulong ng inobasyon at technopreneurship sa paglikha ng kabuhayang makakatulong sa lalong pag-unlad ng bansa.

Natulungan nito ang mga technopreneur gaya ng SENTRiFY na isang Smart Devices and Intelligent Machines Development na nag-aalok ng mga serbisyo gaya ng Research Arm for Hire, Technical Consultations, Product Design, Smart Device Development, Al System Development at Mobile Robot Development.

Gayundin ang Hive Energy PH na lumilikha ng mga kasangkapan na may kinalaman sa Solar Energy.

Ang DyipPay naman ay isang Digital App na kapwa pakikinabangan ng mga pasahero, tsuper at operator. Bukod sa cashless na pagbabayad ng pamasahe, isa rin itong intelligent fleet dispatching system.

Mababantayan din nito kung nasaang lugar na ang bumibiyaheng pampubliking sasakyan upang matiyak ang real time na pag-alis at pagdating nito sa terminal. Maaari namang magpadala ng feedback report ang mga pasahero sa anumang magiging karanasan nila habang nakasakay o bumibiyahe.

Tig-P5 milyon ang i-DRIP o Iot-based Dispenser for Real-Time Intelligent Pour at ang IoTRILS o ang Internet of Things Research and Innovation Laboratory for Smart Cities.

Ang i-DRIP ay nagsusulong na mabawasan ang paggamit ng single-use plastic containers. Sinuportahan ito ng Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy o CRADLE Program ng DOST.  

Habang ang IoTRILS ay target na makagawa ng isang one-stop shop sa paggawa ng design, creation, test, deployment at incubation commercialization. Nag-aalok din ito ng pick-and-place machines, soldering tools, CNC equipment at 3D printers para sa pangangailangan sa operasyon ng mga pamahalaang lokal.

May P3 milyon naman ang ibinigay ng DOST para sa branding ng BulSU para sa Regional Inclusive Innovation Centers (RIIC). Tinatawag itong THRIVE Central Luzon o Technological Hive of Regional Innovation for a Vibrant Ecosystem.

Isa itong data base upang makatulong sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng pag-uugnay sa kanila sa mga higher education institutions, academic researchers, negosyo centers, shared-service facilities, research and development facilities, business menteros at iba pang industriya.

Bahagi nito ang pagbubukas ng Food Innovation Center na direktang tumutulong para maiangat ang antas ng kalidad ng mga produktong pagkain na likha ng mga MSMEs.

Nasa P2 milyon ang para sa Sulong Central Luzon na isang consortium na tumutulong sa mga Start-Ups upang ganap na maitatag ang isang partikular na negosyo sa pamamagitan ng epektibong kolaborasyon.

Habang may hiwalay na P2 milyon para sa Leading the Academe in Utilizing Intellectual Property-Technology Transfer for Universities o LAUIN TTUSO na umaagapay sa mga Start-Ups na makakuha ng intellectual property mula sa generation, protection, exploration, commercialization at utilization.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Cecilia N. Gascon, pangulo ng BulSU, na patunay ang mga resulta ng research and development na sumusulong na ang pamantasan sa larangang ito. Bahagi rin aniya ito ng mga inisyatibo sa kaganapan ng pagiging bahagi ng RIIC sa gitnang Luzon.

Samantala, ibinalita naman ni Secretary Solidum na naglaan ang DOST ng halagang P3 bilyon mula sa Pambansang Badyet ng 2023 upang suportahan ng iba’t ibang research and development initiatives. — Shane F. Velasco/PIA-3/BULACAN

DICT: Bagong biling SIM Cards pagkatapos ng Abril 26, dapat mairehistro bago magamit

0
Ipinapaliwanag ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Usec. Anna Mae Lamentillo sa ginanap na Assisted SIM Registration sa Calumpit, Bulacan na hindi magagamit ang mga bagong bili na SIM Cards nang hindi nairerehistro pagkatapos ng Abril 26, 2023. -- Shane F. Velasco

BAYAN NG CALUMPIT, Bulacan – Hindi magagamit ang mga bagong bili na Subscriber Identity Module o SIM Cards na hindi nairerehistro matapos ang Abril 26, 2023.

Iyan ang binigyang diin ni Department of Information and Communication Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Lamentillo sa simula ng Assisted SIM Registration sa Calumpit, Bulacan. Ipinaliwanag niya na ang mga existing SIM Cards na hindi mairerehistro pagsapit ng Abril 26, 2023 ay kusang magiging deactivated.

Habang matapos ang araw na ito o mula Abril 27, 2023, dapat mairehistro muna ang lahat ng bagong bili na mga SIM Cards bago maging reactivated.

Obligado aniya ang bawat indibidwal na mamamayan ng Pilipinas at maging ang mga dayuhan na pumapasok sa bansa na irehistro ang bawat SIM Cards na kanilang pag-aari, alinsunod sa Subscriber Identity Module o SIM Registration Act o ang Republic Act 11934.

Ito ang kauna-unahang batas na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. upang mapaigting ang paglaban sa cybercrime, online scams at iba’t ibang uri ng panloloko at krimen na nagagamit ang ganitong uri ng ICT at telecommunication platforms.

Sinabi pa ni Lamentillo na ito ay bahagi ng prayoridad ng administrasyong Marcos upang mapatibay ang Digital Economy ng bansa.

Sa Bulacan ayon kay Imelda Walcien, direktor ng regulation branch ng National Telecommunications Commission o NTC Central Office, 80% ng 3.7 milyong populasyon ng lalawigan ang tinatayang dapat na mairehistro ang kani-kanilang mga SIM Cards.

Katumbas ito ng nasa 2.9 milyong Bulakenyo na may inisyal na tig-iisang mga SIM Cards.

Kaugnay nito, patuloy na mag-aalok ng pag-agapay ang mga telecommunication providers sa mga subscribers na may analog na uri ng cellular phones sa direktiba ng NTC.

Ayon kay Wilson Lejarde, pinuno ng Enforcement and Operations Division ng NTC, nagtalaga ng mga booths ang mga telecommunication providers ng mga Smartphones para agapayan ang mga may analog cellular phones sa pagpaparehistro ng kani-kanilang mga SIM Cards.

Kabilang dito ang mga subscribers ng Globe, Smart at ang bagong ikatlong player na DITO. Sinabi naman ni Lejarde na ang mga subscriber ng GOMO ay kusa nang nairehistro mula nang mabili ang nasabing SIM card.

Samantala, tiniyak ni Calumpit Mayor Glorime Faustino na kakatuwangin ang may 29 na mga pamahalaang barangay sa bayang ito sa pagpapatupad ng Republic Act 11934.

Ito’y sa pamamagitan ng pagdadaos ng SIM Registration Assistance sa nasabing mga barangay upang mas mailapit sa karaniwang mga mamamayan na nasa latian at kabukiran.

Libre ang pagpaparehistro ng SIM Cards, basta’t kailangan lamang na makapagpakita ng government-issued identification cards o I.D. sa empleyado ng mga telecommunication provider na tutulong na sila’y mairehistro. — Shane F. Velasco/PIA-3/BULACAN

UNIQLO, SM Foundation unveil 4 health centers in Bulacan

0

UNIQLO Philippines and SM Foundation, Inc. came together to upgrade four health centers
in Bulacan – namely the Pulilan Rural Health Units (RHU) 1 and 2, as well as Baliwag RHU
1 and 3 last January 17, 2023.
The centers were improved to provide Bulakeños in the area easy access to health care
services. These centers commonly treat skin rashes, urinary tract infections, upper
respiratory infections, and other lifestyle illnesses such as hypertension and diabetes.
The facilities also provide family planning, maternal and child health care, and treatments to
prevent or control acute respiratory infection, cardiovascular diseases, tuberculosis,
diarrheal diseases, and AIDS/STD. Baliwag RHU 3, meanwhile, has the capacity to perform
childbirth delivery and minor surgeries.
They also springboard national health programs on leprosy, rabies, dengue prevention,
immunization, and nutrition, making health services accessible to the community.
To respond to their specialized needs, the collaboration rebuilt the facilities and
reconstructed its layout to aptly place a modern reception area, lounge, breastfeeding area,
cold chain storage area, pharmacy, laboratory, treatment room, OPD consultation room,
dental clinic, sputum collection area, and TB DOTS and Animal Bites Centers.
There are also nurses’ rooms and doctors’ consultation rooms to enable frontline health
workers to provide medical care in a conducive environment.
The centers are fully air-conditioned and feature rooms equipped with new chairs and
tables, cabinets, medicines, fixtures, medical tools, and assistive devices such as
wheelchairs.
Beyond this, SM Foundation and UNIQLO also provided Emergency GoKit+ to each of the
centers to ensure they can readily respond to untoward incidents, such as accidents and
calamities.
The four newly upgraded facilities are also fitted with Mobile Play Cabinets containing
interactive toys and educational books. These cabinets are positioned in the lounges to
welcome young patients in a child-friendly environment and give them a holistic healing
experience. – PR

RESPONSABLENG PAGMAMAY-ARI AT PAGHAWAK NG BARIL

0

Isa na namang kapabayaan sa pagmamay-ari ng baril ang kumitil sa buhay ng
isang estudyanteng menor de edad sa Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Nagawang maipasok sa loob ng eskuwelahan ng 12 taong gulang na lalaking
bitktima at doo’y aksidenteng pumutok sa sarili ang ipinuslit na baril at tumama
ang bala sa parte ng kanyang baba at lumabas sa bahagi ng ilong .
Buti na lamang at walang iba pang nadamay na inosenteng kamag-aral, guro o
kawani ng paaralan, ngunit masakit na pangyayari sa kapamilya ng biktima.
At paano nakalusot at nakapasok sa loob ng eskuwelahan ang isang estudyanteng
may dalang nakamamatay na sandata?
Wala bang tumitingin sa mga dala ng pumapasok sa loob ng paaralan? Na siyang
dapat ipatupad ng administrasyon nito?
Ang nakalulungkot pa nito. mismong sa ama ng biktima ang baril na isang opisyal
ng kapulisang nakadestino sa Camp Crame, Quezon City. Opisyal ding naka-isyu sa
pulis ang nasabing baril.
Ang inaasahan sana nating kagawad ng pulis na mangangalaga sa atin lalo pa ng
kanyang mismong pamilya ay kabaligtaran at masakit na trahedya ang
kinasapitan, na lubos niyang pinagsisihan.
Ilagay na nating, itinagong mabuti ng amang pulis ang baril sa ligtas at selyadong
lalagyan para hindi ito makuha ng kanyang anak o ng iba pang kasama sa kanilang
tahanan.
Bakit nagawa pa ring maipuslit ng bata ang sandata, na nakamamatay sa walang
pagsasanay sa tamang paghawak nito?
Maituturing ba nating kapabayaan ng pulis ang nasabing aksidente? O
maikakatwiran ng amang pulis na hindi niya alam na nakuha pala ito ng kanyang
nasawing anak?

Dito na pumapasok ang kahandaan ng isang indibidwal sa pagmamay-ari at
paghawak ng baril. Lalo pa sa isang pulis na katulad niya, na siya namang
inaasahan.
Siguraduhin sana ng bawat ligal na nagmamay-ari ng baril na walang ibang
makahahawak nito maliban sa kanyang sarili.
Puwera na lamang kung nasanay niyang mabuti at binigyan ng oryentasyon ang
kapamilyang kasama niya mismo sa kanyang tinitirhan.
Pamamaraang isinasagawa ng samahang B.A.R.I.L. o Balahang Armas Bahagi ng
Responsable at Industriyang Legal na itinatag ni Bulacan Environment and Natural
Rersources Officer Atty. Julius Victor Degala o mas kilalang Atty. Juvic sa malalapit
sa kanya.
Kahanay ng PRO GUN o Peaceful Responsible Owners of Guns na nagaadbokasiya
sa Responsableng Pagmamay-ari at Paghawak ng Baril.
Wala na sanang maging biktima ang sandatang napasakamay ng isang
iresponsableng indibidwal.

DepEd Partner

0

Tinatanggap ni Aldrin Nituma (kanan), Executive Director ng
Global Peace Foundation Philippines, ang Plake ng Pagkilala kay Vice President
and Secretary of Education Sara Z. Duterte, para sa patuloy na pagmamahal at
pagsuporta ng GPF sa mga batang mag-aaral, habang masayang nakamasid si
Undersecretary Epimaco V. Densing III. Ginanap ang pagbibigay ng karangalan
nitong Martes, Enero 24 sa Bulwagan ng Karunungan, G/F Rizal Building, DepEd
Complex, Meralco Ave., Pasig City, na napanood via MS Teams at Facebook Live.

Muntinlupa Nagsagawa ng Benchmarking sa Negosyo at Pasalubong Center ng
Meycauayan

0
Ipinapakita ni Meycauayan City Mayor Henry R. Villarica ang tinaggap na Plake ng Pagkilala na ibinigay ng Pamahalaaang Lunsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ni Gng. Catherine Mary “Trina” Reyes-Biazon, maybahay at kinatawan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon kasama si Konsehal Engr. Arlene Hilapo. Nasa larawan din sina Konsehal Kat Hernandez(kaliwa) at Konsehal Cocoy Dulalia (kanan) na sumuporta sa isinagawang benchmarking ng Muntinlupa sa negosyo at pasalubong center ng Pamahalaang Lunsod ng Meycauayan. – Meycauayan CICRO

LUNSOD NG MEYCAUAYAN, Bulacan – Isinagawa ng Pamahalaang Lunsod ng
Muntinlupa ang kanilang benchmarking sa negosyo at pasalubong center ng
Lunsod ng Meycauayan nitong Martes, Enero 25 sa bahay pamahalaan, McArthur
Highway, Brgy. Saluysoy ng lunsod na ito.
Pinangunahan ni Gng. Catherine Mary “Trina” Reyes-Biazon, maybahay at
kinatawan ni Mayor Ruffy Biazon ang nasabing benchmarking sa pamahalaang
lunsod kasama si Konsehal Engr. Arlene Hilapo.
Inalam ng Economic Development Cluster ng Muntinlupa kung papaano
pinapatakbo ng Meycauayan LGU ang Negosyo at Pasalubong Center sa
pakikipag-ugnayan na rin sa City Cooperative Office, mga local supplier at City
Treasurer’s Office.
Masiglang ibinahagi ni Mayor Atty. Henry R. Villarica ang best practices ng lokal
na pamahalaan kasama sina Vice Mayor Jojie Violago at ilang Department Heads
sa mga delegado ng Muntinlupa.

Inilibot din ni Mayor Villarica sa ibat-ibang bahagi ng bagong Meycauayan City
Hall ang mga bisita at binigyang kaalaaman sa kasaysayan at kultura ng lunsod sa
pamamagitan ng City Tourism Office.
Nagpalitan naman ng libro patungkol sa bawat kasaysayan ng kinakatawang
lunsod sina Mayor Villarica at Mayora Biazon na isinagawa sa tanggapan ng
alkalde
Nagpakita din ng personal na pagsuporta sina Konsehal Kat Hernandez at
Konsehal Cocoy Dulalia at nakiisa sa pagbabahagi ng tagumpay na tinatamasa ng
Pamahalaang Lunsod ng Meycauayan.

Retooled Community Support Program sinimulan na sa Obando

0
Bago simulan ang Retooled Community Support Program o RCSP ng Pamahalaang Bayan ng Obando, masayang nagpakuha ng larawan ang mga mother leader ng Brgy. San Pascual kay Mayor Leonardo “Ding” Valeda (likurang bahagi, ikalawa sa kanan) kasama sina (likurang bahagi, mula kanan) Konsehal Philip Dela Cruz, Konsehal Lawrence Banag, Konsehal Mico Dela Paz at Kapitan Danilo Roxas, habang nagsusulat para magparehistro ang isa sa naging benepisyaryo ng nasabing programa. – Ramon Agustin/Obando PIO

BAYAN NG OBANDO, Bulacan – Sinimulan ng Pamahalaang Bayan ng Obando sa
barangay ng San Pascual ang Retooled Community Support Program o RCSP
Barangay Caravan nitong Sabado, Enero 28 na ginanap sa San Pascual Elementary
School.
Ang RCSP ay programa ng Department of Interior and Local Government o DILG sa
pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan para maibaba sa bawat barangay ang
ilang pangunahing serbisyo na makatutulong sa mamamayan nito.
Pinangunahan ni Mayor Leonardo ”Ding” Valeda ang pagsasaayos ng kalakaran at
sistema sa nasabing caravan para sa magandang daloy ng pagpapatupad nito na
kapaki-pakinabang sa bawat benepisyaryo.
Nagbigay ng serbisyong medikal ang opisyal at kawani ng Rural Health Unit o RHU
sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Mike Raymundo, namahagi ng
iba’t ibang klase ng gamot at nagbakuna para sa booster shot panlaban sa CoVid-
19.
Tumulong din si Konsehal Evangeline Bautista Bernardo sa dental mission na
bahagi ng caravan at sumuportang mga konsehal na sina Felipe Dea Cruz,
Lawrence Banag at Mico Dela Paz, para sa ikapagtatagumpay ng nasabing
programa.

Pinangasiwaan naman ng mga focal person ng Municipal Social Welfare
Development Office o MSWDO ang pagrerehistro sa Philhealth, senior citizen at
persons with disabilities o PWD.
Ang iba pang inihandog na serbisyo na inilapit sa mga Obandenyo ay ang
pagparehistro sa Commission on Elections o COMELEC ng mga botanteng hindi pa
nakakapagpatala, proseso sa pagkuha ng National ID, libreng therapy sa
nakatatanda at libreng gupit para sa kabataan.
Nakapaloob din sa RCSP Barangay Caravan ang pagbibigay ng libreng bakuna para
sa mga alagang hayop na pinamahalaan ng Municipal Agriculture Office o MAO.
Gayundin ang pagsasagawa ng blood letting activity para sa mga residenteng
nagnanais magdonate ng dugo.
Dumalo rin sa pagsisimula ng caravan sina Municipal Local Government
Operations Officer Cecil Caburnay at ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang
Barangay ng San Pascual sa pangunguna ni Kapitan Danilo Roxas.
Ipinakalendaryo na ni Mayor Valeda ang mga susunod pang RCSP caravan sa
natitirang 10 barangay ng bayan ng Obando na nakatakdang ganapin tuwing
huling Sabado ng bawat buwan.

Bulacan sinalubong ang Pilgrim Relics ni St. Therese of the Child Jesus

0
Sinalubong ni Gobernador Daniel R. Fernando ang Pilgrim Relics ni St. Therese of the Child Jesus nitong BIyernes, Enero 27 sa harapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Lunsod ng Malolos. Naglalaman na kanang binti (rifght femur) ang labi ni St. Therese ng Basilica ng Lisieux, France at bumisita sa Diyosesis ng Malolos mula Enero 26 hanggang Enero 28. Iikot din ito sa ibang bahagi ng bansa para sa kanyang ikalimang pagbisita sa Pilipinas bilang pagdiriwang ng ika-150 anibersaryo ng kanyang kapanganakan at ika-100 anibersaryo ng beatipikasyon. - PPAO

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Kasama ng mga kaparian ng Diyosesis ng
Malolos si Gobernador Daniel R. Fernando na sumalubong sa Pilgrim Relics ni St.
Therese of the Child Jesus nitong Biyernes, Enero 27 sa harapan ng Bahay
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa lunsod na ito.

Ika-5 pagbisita na sa Pilipinas ng nasabing pilgrim relics bilang pagdiriwang ng ika-
150 taong anibersaryo ng kapanganakan ni St Therese of the Chilld Jesus at ika-
100 taon ng kanyang beatipikasyon.
Pinangunahan naman ng Military Ordinariate of the Philippines ang pag-aalay ng
panalangin sa labi ng banal na santa kasama ang mga naghatid at sumalubong
dito.
Bibisita sa ibat-ibang panig ng bansa ang “centennial reliquary,” na nagmula pa sa
Basilika ng Lisieux, France at naglalaman ng buto sa binti (right femur) at bumisita
sa Diyosesis ng Malolos mula Enero 26 hanggang Enero 28.
Ayon kay Gob. Fernando, ang pagsalubong at pagtanggap sa relics ni St. Therese
ay makakatulong sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mga Bulakenyo.
“Tayong mga Bulakenyo ay likas na may takot sa Diyos at may matatag na
pananampalataya sa Panginoon. Sa ating pagtanggap sa labi ni St. Therese ay
isang paraan hindi lang upang maipagpatuloy ang kanyang layuning maging
misyonaryo, ito din ay makakatulong upang mas patatagin pa ang
pananampalataya natin dito sa Bulacan,” anang gobernador.
Samantala, sinabi ni Bro. Luis Tan ng Diyosesis ng Malolos na ang pagbibigay
natin ng pagpapahalaga sa ganitong mga gawain ay pagbibigay na rin ng
katuparan sa gampanin ni St. Therese bilang misyonaryong Katoliko.
“’Yung pagdating sa atin ni St. Therese ay napakahalaga sapagkat to welcome the
relics is to welcome the saint herself. ‘Yung pagdalaw niya sa atin, para na ding
pagpunta ni St. Therese sa atin at saka eto ‘yung fulfillment ng kanyang naisin
nung siya ay madre pa, na maging misyonaryo siya na lilibot sa buong mundo,”
pagpapliwanag ni Bro. Tan.
Sumunod na dinala sa Sacred Heart of Jesus and Mary Chapel sa Kampo Heneral
Alejo Santos ang Pilgrim Relics ni St. Therese of the Child Jesus, na buong
kagalakang sinalubong ng mga opisyal at kagawad ng kapulisan ng Bulacan Police
Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director PCol. Relly B. Arnedo, para
sa isang banal na misa na pinangunahan ni Bishop Dennis C. Villarojo.

SM PLAY SANTA TO 950 BULAKENYOS 

0
A PWD elder was all smiles as she receives Christmas Kalinga pack from SM Foundation Inc. during distribution effort at SM City Marilao. A sum of 300 Christmas kalinga packs was distributed by the mall. The recipients, who were pre-identified by the LGU and MSWD, came from the slum areas of Lambakin, Tabing Ilog, Saog, Lias and Ibayo

Employees from SM Malls in Marilao, San Jose Del Monte, Pulilan, and Baliwag took over the role of Santa Claus last Tuesday, December 13 to spread hope and good cheer for about 950 underprivileged individual, group and communities in Bulacan through its Christmas Kalinga Cheers.

A joint project of SM Foundation Inc and SM Supermalls, the Christmas Kalinga Cheers aims to give love and happiness to communities and less fortunate families in the province.

For this year, SM City Marilao decided to up the ante by making Christmas extra special to Senior Citizens and marginalized communities living in the coastal areas, river banks, and creeks. A sum of 300 Christmas Kalinga packs was distributed by the mall. The recipients, who were pre-identified by the LGU and MSWD, came from the poorest and displaced families living in slum areas of Lambakin, Tabing Ilog, Saog, Lias and Ibayo.

Volunteers from SM City San Jose Del Monte gave love and heartwarming surprises to 300 families from Purok 4 Sitio San Isidro, Brgy Tungkong Mangga San Jose Del Monte. The small community was instantly filled with joy as Christmas Kalinga packs were given. Most of the recipients are informal settlers making a living out of construction, waste collection, and tricycle driving.

Reaching out to the less affluent families in Barangay Pagala, SM City Baliwag distributed at least 100 Christmas Kalinga packs. An additional 100 Christmas Kalinga packs were also given to the local transport group in Baliwag.

A total of 150 Christmas kalinga packs were likewise distributed by SM Center Pulilan to families living in Barangay Sto. Cristo, Barangay Longos, and Barangay Cutcot.  Local transport group likewise receive Christmas Kalinga packs from SM.

“Everybody has a holiday season tradition. The Christmas Kalinga Cheers is one of SM’s holiday tradition of giving hope and reaching out to those in need. We wanted to bring joy to the less privileged and put a smile on their faces” shares SM City Marilao Mall Manager Emmanuel Gatmaitan.

Over 23,327 Christmas Kalinga packs are being distributed across the country. – PR

WALTERMART OPENS IN BALIWAG

0

WalterMart, the Philippines’ leading community mall, continues its thrust of bringing the good life to more Filipino families as it opens its 38th mall in Baliwag, Bulacan. With this, WalterMart Baliwag promises to deliver a one-stop, convenient, fresh retail experience to the Baliwag community.

Love Choices

WalterMart Baliwag is sprawling, one-level mall offers #MoretoLove selections of anchor stores, from supermarket, home appliances, to services, wellness and food choices.

WalterMart Supermarket takes the grocery shopping experience a notch higher. From farm fresh to seafood and oriental produce, to International Flavors and Healthy Organic Sections – the widest assortment of essential goods are housed in this newest branch.

W Department Store Fashion Brands for Less, Everyday for the entire family – this is the promise of W Department Store. W Department Store offers a wide array of brands like Wrangler, Rodeo Drive, Mr. Lee, Crissa, Disney, Hanford, Mango Outlet, Sassa, Toms, Banana Peel, Mossimo, Hello Kitty, Fiscer Price, Sesame Beginnings, Ever Bilena, Y.O.U, Bobbie alongside its home essentials like Dowell, Masflex, Megabox, Omega and decors sale.

Abenson, Abenson Home – the Philippines’ largest appliance store carries up to a thousand items from home appliance to work from home essentials.

The mall also boasts a line-up of tenants to amp up its assortment – food selections like KFC, Chatime, Angel’s Pizza, Figaro, Famous Belgian Waffle, Waffle Time, Buko Juan, Eng Bee Tin and a food court where friends and family can safely dine together at Ate Rica’s Bacsilog, Paotsin, Turks, Siomai House, Potato Corner, Takoyakings, Goto Pilipinas and more. Essentials stores carry branded and value items like Ace Hardware, Watsons, Japan Home Centre and Mr DIY. Amusement, Service lanes and Cyberzone open up to cater #MoretoLove experience like Funhouse, BDO, Core Pacific, Delco, Samsung, Rulls, Infinix, Gadget Suit.

Love Convenience

Easy and hassle-free, that’s what WalterMart has been providing to every community it serves. From easy and accessible transport options to visit WalterMart, to Free 250 spacious parking slots, and Happy Hatid jeep for commuters.

WalterMart Supermarket is the newest place to discover fresh, new flavors and experience a very convenient way of shopping with wide aisles, designed for a seamless and relaxed shopping feel. WalterMart Supermarket has also grown its online ordering capability via its Grocery Delivery site, www.waltermart.com for a full omni-channel experience.

Love Local

“WalterMart Baliwag is our 5th mall in the province of Bulacan, following Sta. Maria, Plaridel, Guiguinto, & Malolos. We are honored to open our doors to the Baliwag community, in providing opportunities to local business owners and employment for job seekers,” says General Manager and SVP for Operations, Jerico Buñing. WalterMart Baliwag is a testament to the emergence of Baliwag town into a component city and a compelling destination for residents, business tenants and visitors. 

Love Savings

The Baliwag community will surely delight in more savings this holiday season until December.

WalterMart Baliwag invites shoppers, young and young-at-heart, to experience Christmas festivities through the “Celebrate Magic with Disney” Fair and shop for official Disney merch on exclusive sale at the W Department Store. Have the opportunity to give back to the community with a donation of P150 worth of Gift Basket through WalterMart’s Handog Pamasko program. Whether shoppers want to share their Christmas blessings with their friends, family and community, WalterMart Baliwag sums up the many reasons why the Baliwag community should drop by for a visit.

WalterMart Baliwag is located in Dona Remedios Trinidad Highway corner V. Gonzales Street, Brgy. Sabang, Baliwag, Bulacan and opens at 9am to 8pm daily.

Nueva Ecija community may also look forward to a great shopping experience with the recent opening of W Department Store Gapan. Visit them now at the second level of WalterMart Gapan, Maharlika Highway, Brgy. Bayanihan, Gapan City Nueva Ecija.

For more updates, follow WalterMart on Facebook: facebook.com/WalterMartMallOfficial or join their Viber Community here: https://bit.ly/WalterMartCommunity. – PR