Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month
LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Pinalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng
Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management
Office o PDRRMO ang mga pamamaraan nang pagtugon sa mga sakuna, bilang
bahagi nang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilence Month sa
buong bansa.
Isinagawa ng lokal na pamahalaan ang kick-off ceremony ng NDRM kaalinsabay
nang buwanang Pagtataas ng Watawat nitong Lunes, Hulyo 3 sa Bulacan Capitol
Gymnasium sa lunsod na ito.
Kabilang sa pagpapalakas ng mga pamamaraan, anim na pagsasanay ang inilatag
ng PDRRMO na magbibigay kaalaman sa mga rescuer at responder sa mga dapat
at hindi dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng isang kalamidad at trahedya
o sakuna, pati na rin ang pangunahing kasanayan na kinakailangan kapag
nasasagawa ng isang search and rescue operation.
Inisa-isa ni PDRRM Officer Retired PCol. Manuel M. Lukban, Jr. ang mga
naitakdang pagsasanay tulad ng Ambulance Operation Training sa Hulyo 5-7, Basic
Aquatic Safety and Firefighting Training sa Hulyo 11-14, Motorist Road Safety
Training sa Hulyo 17, Lactation Management Training sa Hulyo 18, Stress
Debriefing sa Hulyo 20 at Psychological First Aid Training sa Hulyo 21.
Inihayag din ni Lukban ang iba pang pinakahihintay na mga aktibidad tulad ng
RESCUE M.A.R.C.H. o Rescue Mass Assembly for Rescue and Care for Humanity sa
Hulyo 8, 11th Bulacan Rescue Olympics sa Hulyo 27-28 at ang kauna-unahang
Responders’ Day and Basketball Games na gaganapin sa Hulyo 29-30.
Pinangunahan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alex
C. Castro ang pagpiprisenta at pagsasalin ng ilang moderno at mataas na kalidad
na search and rescue tools and equipment sa PDRRMO kabilang ang extrication
vehicle with tools, alarm and text blasters apparatus, six sets ng Personal
Protective Equipment, Barracuda Rescue Boat and outboard motor, body camera
with GPS, Hystera Digital Portable Radio at chainsaw 36.
Nanumpa rin kay Gobernador Fernando ang mga bagong halal na opisyal ng
Bulacan Council of Disaster Risk Reduction and Management Officers, para sa
kanilang mga katungkulan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Fernando na kinakailangan na unahin ang
pagsasagawa ng disaster risk reduction measures, malawakang pagbibibigay ng
impormasyon at pangmatagalang pagpaplano para matugunan ang mga natural
na pagkasira at mga panganib na dulot ng tao.
“We have been proactively empowering each Bulakenyo to manage risks
reduction and strengthening their capabilities to build resiliency, so that when an
emergency or disaster comes, they will be ready. We should all know what to do
and not to do, we should not be complacent,” anang gobernador.
Nagpalabas si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Executive Order No. 29
na may petsang Hunyo 28, 2017 na nag-uutos na ipagdiwang ang NDRM tuwing
buwan ng Hulyo sa buong bansa.-