Ang Facebook o FB ay isa sa mga sikat na social medica platforms sa buong
mundo.
Nariyan din ang Messenger, Instagram, Twitter, YouTube, TikTok at iba pang apps
na patok sa panlasa ng buong sanlibutan, partikular nating mga Pilipino.
Basta may cellphone na Android, pwede nang makagawa ng FB account.
Naging malaking bahagi na ang Facebook ng ating mga buhay, at nagiging
behikulo para sa palagiang pagkonekta sa mga kaibigan at pamilya, maibahagi ang
mga kaisipan, mga kaganapan at makahanap ng mga bagong oportunidad.
Pero sa kahit sa anumang klase ng teknolohiya, ang Facebook ay may mga
advantages at disadvantages.
Ang pangunahing bentahe ng sikat na application ay ang kakayahan nito na pag-
ugnayin ang mga tao saan mang lupalop ng mundo.
Pinahihintulutan nito na ikonekta ka sa iyong pamilya, kamag-anak at mga
kaibigan kahit nasaaan pa sila.
Nagagamit din natin ang nasabing social media app na ito sa paghahanap ng
bagong kaibigan at potensyal na magiging kasosyo sa negosyo.
Idagdag pa riyan na nagagamit natin ito para ibahagi ang ating nasa isip at mga
karanasan sa iba, na isang magandang paraan para makapagpahayag ng ating
sarili at kumonekta sa mga taong may kahlintulad na kaisipan.
Sa kabilang banda, may mga disadvantages din sa paggamit ng FB.
Halimbawa na lang ang pagiging major distraction nito dahil mahihirapan kang
maka-focus sa mga gawain, mapa-schooling man o sa pagtatrabaho kapag lagi
kang sumisilip sa iyong mga news feed.
Kahit na pagbawalan ng mga ahensya at institusyon, may ilan pa ring nakakalusot
at nahuhumaling sa pagtingin sa buhay ng kakilala at maging sa ibang tao.
Hindi nga ba’t sa isang harapan, magkaminsan ay hindi na nag-uusap, ang lahat ay
nakayuko at nakatingin sa sari-sariling mga cellphone na para bang nahipnotismo
na sa high-end na aparato?
Nagiging source din ito para sa cyberbullying at ilang klase ng online harassment.
Isama pa rito ang pagiging pinagmumulan ng fake news at iba pang klase ng
misinformation, na nagreresulta sa kalituhan at hindi pagkakaunawaan.
Naranasan mo na siguro ang may makatampuhan dahil hindi ka nagla-like sa mga
ipinost ng iyong kaibigan. Na hahantong pa sa pagba-block niya sa iyo, nang hindi
mo na siya masubaybayan, dahilan upang masira ang inyong pinagsamahan.
Maganda naman kung matagal kayong hindi nagkakahuntahan at kapag personal
na nagkita sa isang magandang lunan, ay sabik na magbabalitaan nang kanya-
kanyang magagandang karanasan at kaganapan.
Sa pangkalahatan, ang Facebook ay magandang tool para mapanatili ang
koneskyon mo sa iyong pamilya, kamag-anak at mga kaibigan at makahanap ng
mga bagong oportunidad na makapag-aangat sa antas ng iyong pamumuhay.
Ngunit mahalagang maging aware ka sa mga potensyal nitong kakulangan at
maaring maging negatibong epekto nito sa mga parukyanong lantad sa mata nang
mapagsamantala.
Kaya dapat lamang na gamitin ito nang may kaakibat na responsibilidad, hindi
lamang sa iyong sarili, kundi pati na rin sa mga makakasalamuha online.
Kayo na po ang mag-decide…