Naka-1 taon na nang panunungkulan ang mga lingkod bayan na nahalal noong nakaraang May 9 National and Local Elections.
Naupo ng July 1, 2022 ang lahat nang nagwagi, mapa-Pangulo hanggang sa Konsehal ng Bayan.
At ang lahat ay sabik na makapag-ulat nang kanilang nagawa sa kapakanan ng mga mamamayang nasasakupan.
1 na sigurong halimbawa ang kasipagan at pagpupursigi ni Congressman Salvador “Ka Ador” A. Pleyto ng Ika- 6 na Distrito ng Bulacan para sa mga residente ng mga bayan ng Santa Maria, Angat at Norzagaray.
Nakapaglaan ng pondo si Kinatawan Pleyto sa mga pagawaing pang-imprastraktura upang unti-unting maramdaman ang pagbabago at magiging daan sa pag-unlad ng bawat komunidad ng Ika-6 na distrito.
14 na barangay ang sabay-sabay niyang isinaayos ang mga kalsada, 6 na barangay naman ang pinagawan niya ng multi-purpose building at naglagay rin siya ng malawakang flood control projects sa kahabaan ng Ilog -Angat.
Masisimulan na rin ang pagpapagawa niya ng mga tulay sa Baybay, Banaban at Sta. Cruz sa bayan ng Angat, Sitio Palale sa Pinagtuluyan, Norzagaray, Macaiban Bridge sa bayan ng Santa Maria at may kasunod pa sa susunod na mga taon.
Umabot pa sa Ika-1 taon ng kanyang panunungkulan ang Medical, Dental and Optical Misssion para sa mga residente ng Norzagaray nitong Huwebes, June 29, bilang handog-pasasalamat ni Cong. Pleyto
Sinundan pa ng groundbreaking ng bagong munisipyo ng Angat o ang New Municipal Multi-Purpose Building sa barangay San Roque sa kaparehong araw.
At bago magtakip-silim, groundbreaking ng Alternate Baybay-Laog Bridge na nagdurugtong sa 2 barangay sa bayan ng Angat, ang tumapos sa kanyang lagareng schedule para sa mga proyekto at programang itinakda.
Bukod pa riyan ang nagiging buwanang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS na umabot na sa 13,029 Bulakenyo ang nahandugan, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD na kanyang mga inisyatibo para sa 3 bayang nasasakupan at Medical Assistance to Indigent Patient o MAIP na hindi na lamang sa pampublikong ospital tumatanggap kundi pati na rin sa mga pribadong pagamutan.
Nagbaba rin si Cong Pleyto ng mga Skills Training sa ilalin ng TESDA Program para sa mga kabataang hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral at mga Livelihood Training Program para sa mga kababaihan.
Bilang mambabatas sa Kongreso na kanyang pangunahing tungkulin, 96 na panukalang batas at resolusyon ang kanyang inihain at iniakda bilang principal author, co-author at isa sa mga sponsor.
Ika nga ni Angat Mayor Jowar Bautista, “ngayon ko po nakikita na may totoong gobyerno na umaalalay dahil sa pagmamahal ni Congressman Ador Pleyto sa mamamayan ng Angat.”
Hindi tumitigil si Cong. Ka Ador sa paghahatid ng mga makabuluhang programa at mga napapanahong proyektong direktang pakikinabanagan ng mamamayan at magbibigay ng kaunlaran sa bawat pamayanan.
Kaya mahiya naman sana ang mga tradisyonal na politician, na hindi ginamit nang tama ang tungkuling iniatang sa kanila ng taumbayan.