LUNSOD NG QUEZON – Ibinunyag ni Dr. Gen Marq Mutia, president ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine, na dapat malaman ng lahat, malaman ni First Lady Liza Araneta Marcos at Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na available na ang medical cannabis sa bansa.
Sa Media Health Forum sa Quezon City ngayong Lunes, sinabi ni Dr. Mutia, “As of 2021, 64 countries ay mayroong batas na pinapayagan ang medical cannabis, 34 dito ay pinapayagan ang mga non-pharmaceutical grade medical cannabis.”
The Philippine Society of Cannabinoid Medicine aims to provide guidelines for clinically-based trial pertaining to medical cannabis. and advocate for just laws.
“Hindi po kriminal ang medical cannabis. Pag ginamit for non-medical purposes, masama po ito. We advocate for humane treatment of these individuals who are hooked into drugs,” sabi ni Dr. Mutia.
“The approach to cannabis should be medical and not criminalization and punitive,” dagdag ni Dr. Mutia.
“Under Republic Act 9165, o ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’, pwede ang paggamit ng medical cannabis. Inaatasan ang DDB (Dangerous Drugs Board) na payagan ang pag-angkat ng medical cannabis for medical purposes with special permit for compassionate use,” dagdag pa ni Dr. Mutia.
“Hindi pwedeng ang mga mambabatas lamang ang mag-usap-usap at mas importante pa rin ang information dissemination at education para malaman sa grassroots level ang benefits ng medical cannabis,” ipinunto ni Dr. Mutia.
“Ang scheduling o classification ng marijuana bilang dangerous drug sa ilalim ng RA 9165 ang isa sa dahilan o balakid o hindi siya gamot at pusakal sya kaya di pinapayagan ang paggamit ng marijuana bilang gamot,” saad pa ni Dr. Mutia.
Binago na ng United Nations ang classification ng marijuana from schedule 4 to schedule 1 at dapat ay schedule 1 na sa Pilipinas. Ibig sabihin nito, ang marijuana ay tinuturing ng beneficial for medical purposes at hindi na siya illegal substance.
Taong 2020 pa nagbago ang UN ng classification ng marijuana from illegal substance to beneficial for medical purposes.
“Importation only and not for local production ang pinayagan ng DDB (Dangerous Drugs Board) para sa purified CBD (Cannabinnoid). Pero walang importer dahil sa sobrang mahal ng purified CBD,” sabi nya.
Ayon sa DDB, signatory ang Pilipinas sa United Nations kaya dapat sundin ang nasabing re-classification ng marijuana o cannabis. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.