LUNSOD NG MAYNILA – Emosyonal na sinabi ni Senadora Imee Marcos nitong Biyernes, Hulyo 7 na ang Lupang Hinirang ay di na kailanman magiging Lupang Hinarang.
Nabanggit ni Senadora Marcos ang nasabing pahayag pagkatapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Bongbong R. Marcos, Jr. ang Senate Bill No. 178 bilang batas na kikilalanin na bilang “New Emancipation Act.”
Ayon kay Sen. Marcos, and P. D. 27 ay kaisa -isang isinulat ng kanyang Amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa kanyang sariling kamay na nagsabi pang kung maaari ay isusulat pa nya sa kanyang sariling dugo.
Sinabi nya na sa ilalim ng naturang batas, walang ng utang at kinokondona na ng pamahalaan ang mahigit P57 bilyong utang at interest ng mga agrarian reform beneficiaries.
Idinagdag pa ng Senadora na noong Oktubre ng nagdaan taon ay 50 taon na ang Comprehensive Agrarian Reform Program na kung saan naglabas din ng Executive Order ang noon ay Presidente Rodrigo Roa Duterte na nagpapahintulot ng pagkondona sa mga utang kasama ang interest ng mga agrarian reform beneficiaries.
Sa kanyang mensahe sa paglagda ng bagong batas, kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos na ang kanyang Ate na si Senadora Imee Marcos ang original author ng Proposed Senate Bill in Tenants Emancipation Act.
Ayon pa kay Senadora Marcos, kung tutuusin ang lupang sinasaka sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program ay nabayaran na nang labis-labis na hirap ng mga magsasaka na sa tingin nya ay ang pamahalaan pa ang may utang sa kanila.
Nagpasalamat rin ang Senadora kina Pangulong Duterte, Pangulong Bongbong Marcos, Jr., sa Kongreso at Senado na sa wakas ang Lupang Hinarang ay di na kailanman magiging Lupang Hinarang. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.