Pinangunahan ni National Press Club President Lydia B. Bueno (may hawak ng mikropono) ang pagpapasinaya sa busto ni Gat. Marcelo H. Del Pilar (gitna) nitong Miyerkules, Agosto 30 sa bakuran ng National Press Club kasama siina (mula kaliwa) Philippine Information Agency Director-General Jose Torres, Jr., Undersecretary Paul M. Gutierrez, executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), Rida Marasiagan, apo sa tuhod ni Del Pilar, Wilson Lee Flores na kumatawan kay FFCCCII President Dr. Cecilio Pedro, PNP Spokesman PBGen. Redrico Maranan, na kumatawan kay PNP Chief Benjamin Acorda, Jr., Manila Police Distrit Chief PB Gen. Andre Dizon, NPC Treasurer Mina Navarro at iba pang opisyal ng NPC. – Larawang kuha ni Harold T. Raymundo

LUNSOD NG MAYNILA – Pinasinayaan ang busto ni Gat. Marcelo H. Del Pilar
nitong Miyerkules, Agosto 30 sa bakuran ng National Press Club, Magallanes
Drive, Intramuros sa lunsod na ito.
Kaalinsabay nang pagpapasinaya, ang paggunita sa Ika-173 guning taong
kaarawan ng Dakilang Propagandista at itinuturing na Ama ng Pamamahayag sa
buong bansa at ang komemorasyon din ng Ika-2 taong Pambansang Araw ng
Kalayaan sa Pamamahayag, na itinadhana ng Republic Act No.11699.
Pinangunahan ni NPC President Lydia B. Bueno ang 3 ganap, kasama sina
Undersecretary Paul M. Gutierrez, executive director ng Presidential Task Force
on Media Security (PTFoMS), Philippine Information Agency Director-General Jose
Torres, Jr., Kapisananan ng Wikang Filipino Chairmam Arthur Casanova, PhD., PNP
Spokesman PBGen. Redrico Maranan, na kumatawan kay PNP Chief Benjamin
Acorda, Jr., Intramuros Administrator Atty. Joan Padilla, Manila Police Distrit Chief

PB Gen. Andre Dizon, Wilson Lee Flores na kumatawan kay FFCCCII President Dr.
Cecilio Pedro, at G. King Cortez, batikang historyador.
Katuwang ni Bueno sa makasaysayang kaganapan ang mga executive officers ng
NPC na sina Vice President Tina Maralit, Secretary Leonel Abasola, Treasurer Mina
Navarro, Director Benedict Abaygar, Jr., Direktor Aya Yupangco at iba pang opisyal
ng naturang samahan.
Sa kauna-unahang pagkakataon, naimbitahan din sa pagdiriwang ang Bulacan
Press Club Inc., sa katauhan ng Pangulo nito na si Thony DP Arcenal, na akin
namang nireprersenta bilang Vice President nang pinakamatandang samahan ng
mga mamamahayag sa lalawigan.
Sa kanyang mensahe bago ipakita sa publiko ang busto ni Plaridel, pen name ni
Del Pilar, sinabi ni NPC Pres. Bueno na kung dati’y international press freedom day
ang ipinagdiriwang ng mamamahayag sa Pilipinas, ngayo’y National Press
Freedom Day na o Pambansang Araw ng Pamamahayag.
“Naisakatuparan natin ito sa tulong ni dating Pangulong Rodirgo Duterte sa
pamamagitan ng RA 11699, epektibo noong abril 20, 2022, ngunit walong taon na
tayong nakikipaglaban para sa pagdiriwang natin ng Araw ng Pamamahayag sa
Pilipinas,” ani Bueno.
“Gusto nating maging malinis at maayos ang pagtupad sa tungkulin ng ating
kapatid sa pamamahayag, kaya tayo ay may sinisunod na Journalist Code of
Ethics.“ ayon sa pinuno ng pambansang samahan ng mga mamamahayag.
Nagbabala naman si Usec Gutierrez na ang iresponsableng pamamahayag ay
nakamamatay.
Ayon sa kanya, isa sa mga nakita nilang dahilan nang mga pag-atake laban sa mga
kasapi ng midya ay ang pagiging iresponsable sa paggawa at pagpapahayag ng
mga balita.
Kabilang dito ang pagiging propagandista ng mga pulitiko, partikular kung
nalalapit ang halalan, at pagpasok o pagiging protektor ng mga iligal na gawain.

Mas mainam, ani Usec Gutierrez, na gawing inspirasyon ng mga nasa hanay ng
midya ang naging buhay at sakripisyo ni Gat. Marcelo ‘Plaridel’ Del Pilar, ang Ama
ng Pamamahayag sa Pilipinas at isa sa ating mga tunay at dakilang bayani.
“Isabuhay natin ang responsable at makabayang estilo ng pamamahayag katulad
ng ginawa ni Gat. Del Pilar. Makatutulong ito upang mabawasan ang insidente ng
karahasan sa ating hanay,” ani Gutierrez.
Nanawagan din ang Executive Directoir ng PTFoMS sa hanay ng midya na maging
propesyunal at iwasan ang iresponsableng estilo ng pamamahayag upang
maiwasan ang maging biktima ng karahasan.
Samanatala, taun-taon ding ginugunita sa bayan ng Bulakan lalawigan ng Bulacan
ang kapanganakan ni Del Pilar at pagdiriwang ng National Press Freedom Day, sa
pamamagitan nang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog nito sa barangay San
Nicolas, kung saan nagpapadala rin ng bulaklak at kinatawan ang National Press
Club.