Groundbreaking ng Solar Water System Levell II ng paaralan, isinabay din
BAYAN NG SANTA MARIA, Bulacan – Binasbasan at pinasinayaan ang
karagdagang bagong 3 palapag na gusali ng Cay Pombo Elementary School, nitong
Biyernes, Setyembre 1 sa barangay Cay Pombo ng bayan na ito.
May sukat na 1,311 metro kuwadrado ang nasabing istraktura, na may 12 silid-
aralan at puwedeng okupahan ng 540 na mag-aaral.
Kumpleto na rin sa kagamaitan ang bagong gusali para sa mga estudayante at
guro, tamang tama sa pagbubukas nang pasukan sa mga pampublikong paaralan
nitong Agosto 29.
Ayon kay District Engineer George DC Santos ng DPWH 2 nd District Engineering
Office, Oktubre pa dapat matatapos ang bagong gusali, ngunit ibinilin ni
Kinatawan Salvador “Ka Ador” A. Pleyto ng ika-6 na Distrito ng Bulacan, na tapusin
sana nang mas maaga para umabot sa kasalukuyang pagbubukas ng mga klase, at
napatupad naman dahil sa maayos na koordinasyon ng mga opisyal at kawani
nang nasabing tanggapan.
Pinangunahan ni Kinatawan Pleyto, ang pagpapasinaya kasaman sina Mayor
Omeng Bartolome, District Engineer Santos, Assistant District Engineer Edwin
Abengana, Bokal Art Legaspi, Bokal jay De Guzman, Konsehal Marisa Tuazon,
Department of Education Regional Director Dr. May B. Eclar, Schools Division
Superintendent Dr. Norma Esteban at Santa Maria West District Supervisor Dr.
Cecilia Buenavntura.
Inisyatibo ni Kinatawan Pleyto ang pagpapagawa nang bagong gusali at
napondohan sa pamamagitan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez,
na kasamahan ni Pleyto sa Mababang Kapulungan o Kongreso.
Pinasalamatan ni Kint. Pleyto si Bise Presidente at Kalihim ng Department of
Education Sara Z. Duterte, maging si Speaker Romualdez sa pagkakaroon ng
katuparan sa mga pangarap niya para sa mga kababayan.
Ibinida ni Kint. Pleyto na gagawing modelo ang bagong compound ng Cay Pombo
Elementary School. Gagawing pilot project ang mga imprastrakturang pagawain
sa paaralan at maaring gayahin ng iba pang Kinatawan sa buong bansa.
Bukod sa paglalagay ng oval sa nalalapit na panahon, karagdagang bagong gusali
sa loob ng compound ng eskuwelahan na nagkakahalaga ng P50 milyon ang
paglalaanan ni Senador Raffy Tulfo ng pondo, sa hiling na rin ni Kint. Pleyto.
Sa kanyang ring mensahe bago basbasan ang karagdagang gusali, sinabi ng
Kinatawan ang bentahe ng kanyang dating posisyon sa pamahalaan para
makapag-iwan ng legasiya para sa kanyang distrito.
“Hindi po talaga ako napapagod na maghanap ng mga pondo. Asahan nyo po na
hindi ko sasayangin ang mga pagkakataon, sabi nga, ang aking kaalaman, ang
aking karanasan, at ang aking pakikisama sa Pambansang Pamahalaan, upang
makapaghatid nang mataas na antas na paglilingkod na nararapat ibigay sa ating
mamamayan,” ani Pleyto.
Magbibigay rin si Kint. Pleyto ng karagdagang mga upuan nang makita ang
kakulangan nito sa naunang gusali ng paaralan, na kanilang ininspeksyon sa pag-
ikot sa compound ng eskuwelahan kasama ang mga opisyal ng paaralan at DepEd.
Pinuri naman ni Centra Luzon Director Eclar ang mabilis na pagpapatupad ng
proyekto para sa kapakinabangan ng mga benepisyaryo.
“Ang wish ko lang, sana ay laging ganito ang mga pamamaraan at pagkilos ng
lahat ng ahensya ng gobyerno upang sa gayon ay mabilis na matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mamamayan at mga mag-aaral,“ ani Eclar.
“Maraming salamat sa ating iginagalang na Representative ng 6 th District ng
Bulacan, Cong. Ador, for facilitating the expeditious completion of this school
building for our learners in Cay Pombo,“ dagdag pa ng regional director.
Ipinasabay na rin ni Kint. Pleyto ang groundbreaking ng Solar Water System Level
II, na inaasahang makapagbibigay ng tuluy-tuloy na suplay ng malinis at
puwedeng inuming tubig sa buong paaralan at maging sa kalapit kabahayan sa
barangay Cay Pombo.
Isa pang inisyatibo ni Kint. Pleyto sa tulong din ng kasamahang si House Speaker
Romualdez.
Ayon kay DE Santos, may sukat na 168 metro kuwadrado ang water system at
may lalim na higit sa 60 metro ang pagkukunan ng tubig. Bagong teknolohiya ang
nasabing sistema na makamemenos sa pagbabayad ng kuryente sa Meralco, dahil
solar powered ang pagpapatakbo nito, na kinokolekta ng 45 na yunit ng solar
panel.
Mayroong ding 6 na tanke ng tubig na pagiimbakan at puwedeng maglaman ng
2,000 litro kada tanke, na dumaan sa proseso ng paglilinis ng tubig para
puwedeng inumin ng estudyante at kalapit na kabahayan ng nasabing barangay.
Bukod sa Cay Pombo Elementary School, magkakaroon din ng kaparehong Solar
Water System ang Norzagaray – 2 yunit, Angat – 1 yunit, at 1 pang yunit sa Santa
Maria.
Dumalo rin sa magkasabay na kaganapan sina dating Mayor Yoyoy Pleyto at
magkatuwang na tagapamahala ng Tanggapang Pandistrito ni Kinatawan Pleyto
na sina dating Konsehal Badong Pleyto at Sir George Bautista, dating Konsehal Jun
Mateo at Kapitan Dodong Munsayac.