Ipinapakita ni Kapitan Ruben Serrano ng
Brgy. Catanghalan sa Bayan ng Obando ang katibayan ng karangalang
tinanggap bilang top performing Barangay Anti-Drug Abuse Council o
BADAC mula kay Provincial Director MyrviApostol-Faura (kaliwa) ng
Department of the Interior and Local Government-Bulacan. Nagkamit ng
high functionality score na 87.25 ang Brgy. Catanghalan base sa katatapos
na 2022 BADAC Audit. Nasa larawan din sina Obando Municipal Local
Government Operations Officer Cecil Caburnay (ikalawa sa kanan) at Myra
Feliciano, kalihim ng Pamahalaang Barangay ng Catanghalan, na sumaksi
sa seremonya nang pagbibigay ng karangalan sa bawat barangay
kaalinsabay sa isinagawang pagpapalakas ng BADAC at Barangay Drug
Clearing Program o BDCP nitong Oktubre 25 at Oktubre 26 sa Bulacan
Capitol Gymnasium, Lunsod ng Malolos, Bulacan. – Ramon Agustin/Obando PIO