Ipinapakita ni Mayor Atty. Christian D. Natividad (Ika-3 sa kaliwa) at PhilHealth Regional Vice President Edgardo Faustino (Ika-4 sa kaliwa), ang nilagdaang kasunduan kasama sina City Legal Officer Atty. Cyrus Paul Valenzuela, City Administrator Joel Eugenio, Konsehal Noel Sacay, Konsehal Michael Aquino at Sk President Patrick Dela Cruz. – Malolos CIO

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Nilagdaan ni Mayor Atty. Chiristian D. Natividad ng Pamahalaang Lunsod ng Malolos at Regional Vice President Edgardo Faustino ng Philippine Health Insurance Corporation kamakailan,

ang isang kasunduan patungkol sa pagpapalawak nang pagiging kasapi ng mga Malolenyo sa PhilHealth.

Alinsunod sa Republic Act  No. 11223 na kilala din sa tawag na “Universal Health Care Act,” binibigyang proteksyon ang mga Pilipino sa kanilang karapatang magkaroon nang maayos na kalusugan. 

Kaya, binibigyang tibay nang nilagdaang kasunduan  ang pagkakaroon ng kooperasyon at pagtutulungan ng dalawang tanggapan upang mas lumawak at mas dumami pa ang mga miyembro ng PhilHealth sa buong Malolos.

Bagama’t nakasaad sa UHC Act na ang lahat ng Pilipino ay otomatikong miyembro na ng PhilHealth, dapat pa din silang magparehistro at magupdate ng kanilang mga personal na impormasyon kung kailangan, para makatanggap ng serbisyo at benepisyo mula sa PhilHealth. Lumagda rin sa nasabing kasunduan sina City Legal Officer Atty. Cyrus Paul Valenzuela, City Administrator Joel Eugenio, Konsehal Noel Sacay, Konsehal Michael Aquino at  SK President Patrick Dela Cruz.