Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa lahat ng mga kabataang Bulakenyo na lumahok at nagwagi sa ginanap na Central Luzon Regional Athletic Association o CLRAA Meet noong ika-23 hanggang ika-28 ng Abril 2023 sa iba’t-ibang lugar sa Bulacan. Makikita sa larawan ang ilan sa mga pinarangalang Bulakenyong atleta (unang hanay) na nakapagbahagi sa kabuoang 245 na medalya para tanghaling Overall Champion ang Bulacan, na kinabibilangan ng 104 na gold, 68 na silver at 55 na bronze. Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang pagbibigay ng karangalan sa idinaos na Victory and Send-Off to Palarong Pambansa Party nitong Huwebes, Hulyo 13 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lunsod ng Malolos.