Binabati ni StingRay at ang bumubuo ng Pahayagang Mabuhay si Gobernador
Daniel R. Fernando na pinarangalan bilang Outstanding Local Chief Executive of
the Philippines – Provincial Governor Category for Luzon Island ng samahan ng
mga Local Social Welfare and Development Officers sa bansa.
Kinilala ng nasabing samahan ang strong political will ni Gob. Daniel sa
pagpapatupad ng kakayahang panlipunan at kaunlaran ng kanyang nasasakupan
at pinuri din ang mga inisyatiba ng gobernador sa pagpapaangat sa
pangkalahatang kagalingan ng mga nasa vulnerable sector kabilang ang mga
indigenous people, solo parents, senior citizens, at PWDs.
Makikita naman din natin ang sipag at dedikasyon ni Gob. Daniel sa pagtupad sa
kanyang tungkulin at pagsilbihan ang mga Bulakenyo, lalo na sa panahon na
hinahanap ng kanyang nasasakupan ang kalinga ng pamahalaang kanyang
pinamumunuan.
Sariwa pa sa ating isipan ang walang kapaguran niyang paghahatid nang agarang
tulong at mga relief pack sa mga naapektuhang kalalawigan, dulot nang
nagdaang bagyong Egay at hanging Habagat dahilan upang isailalim sa “State of
Calamity” ang buong probinsiya.
Hindi nga ba’t noong panahon ng pandemya, personal na iniintindi ni Gob. Daniel
and mga pangunahin at iba’t-ibang aspeto nang serbisyo na kinakailangan ng
apektadong Bulakenyo?
Sa tulong na rin siyempre sa ginagawang maayos na koordinasyon ng Provincial
Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni Mam Weng
Tiongson at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Karapat-dapat ang karangalang tinanggap. Congratulations the “People’s
Governor, Daniel R. Fernando!
Ikinararangal ka naming mga Bulakenyo!
Political will din na dapat pamarisan ng mga lokal na pamahalan
Malaking hakbang ang ginawa ng Lunsod ng Valenzuela para protektahan ang
mga bata sa kanilang nasasakupan.
Nito lang August 15, nilagdaan ni Mayor Wes Gatchalian ang isang commitment
na poprotekta sa kalusugan ng mga batang Valenzuelano mula sa negatibong
epekto ng mga pagkain at inumin na ibinebenta sa kalunsuran.
Sa pagsuporta sa ninanais ni Mayor Wes, naghain si District 2 Councilor Louie
Nolasco ng isang panlusod na ordinansa na nireregulate ang pagbebenta sa mga batang Valenzuelano, ng mga
pagkaing may mataas na asukal, asin, at taba, mga inuming nakalalasing, inuming
pampalakas at mga softdrinks.
Tatamaan ng adbokasiyang ito, ang kita ng mga higanteng korporasyon, food,
drink and beverage manufacturers na patuloy na nagbebenta ng mga produkto sa
lunsod ng Valenzuela.
Political will ng isang leader, maipaglaban at maprotektahan lamang, ang kung
ano ang makabubuti sa kalusugan ng mga batang nasasakupan.
Isama na rin siguro natin ang mga item na nagsasabing “dangerous to your
health.” Kung nakasasama talaga at nakamamatay, bakit hindi ipagbawal ng
pamahalaang nasyunal ang pagiging available nito sa mga parukyano.
Talaga bang malaki ang mawawala sa ating ekonomiya, kapaga nahinto ang mga
“sin taxes” na nakukuha mula rito?
Sino kaya sa mga bayan at siyudad sa lalawigan ng Bulacan ang mauunang
sumunod sa political will ng Pamahalang Lunsod ng Valenzuela?
Atin pong abangan…