Hindi natin matatawaran ang ipinakitang kabayanihan ng limang kawani ng
pamahalaang panlalawigan na nakaposisyon sa Provincial Disaster Risk Reduction
Management Office o Bulacan Rescue.
Naibuwis nila ang kanilang nag-iisang buhay para makapagligtas ng mga
kababayang Bulakenyo sa apektado ng bagsik nang nagdaang Bagyong Karding.
Bumuhos kamakailan ang mga donasyon mula sa mga indibidwal, grupo at mga
ahensya ng pamahalang lokal at nasyonal, para makisimpatiya sa kalagayan nang
naulilang pamilya.
Hanggang sa kasalukyan ay may dumarating pa ring mga donasyon sa naulilang
pamilya nang tinaguriang mga bayaning tagapagligtas
At nitong Lunes, Oktubre 17, nagkaloob din ng tulong na tig-2 milyong piso ang
business tycoon na si Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation sa naiwang
pamilya ng limang Bulakenyong bayaning nasawi.
Personal pang iniabot ni Ang ang tseke sa naulilang pamilya sa ginanap na
pagpupulong nila sa SMC Head Office sa Mandaluyong.
Bukod pa diyan ang tatanggapin ng bawat pamilya na freezer at inisyal na
imbentaryo ng iba’t ibang frozen na karne at produkto ng Purefoods, sa ilalim ng
Community Reselling Program ng dambuhalang korporasyon, para maibsan ang
bigat na dalahin ng pamilya bunga ng ‘di-inaasahang pagpanaw ng kanilang mga
mahal sa buhay.
Hindi pa sapat sa buhay ng isang tao ang kabuoan na tinatanggap ng bawat
naulilang pamilya, ngunit siguro nama’y makapagsismula na sila ng magandang
kinabukasan kahit sila’y apektado sa pisikal at emosyonal na aspeto.
Mayroon kayang magmamagandang loob rin sa mga kasalukuyang buhay na
nagseserbisyo sa Bulacan Rescue o sa ano pa mang rescue group ng iba’t-ibang
lokal na pamahalaan?
Na alam naman natin na karamihan sa kanila ay hikahos at itinatawid lang ang
pang-araw-araw na pangangailan para sa pamumuhay.
Magandang pakinabangan ang mga ganansya nang buhay ang pisikal na katawan,
kesa sa patay na ok din namang pamilya ang nakikinabang.
Isama na natin diyan ang mga bayani ng pandemya, ang mga medical worker, na
nailagay din sa panganib ang kanilang mga saril.
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo ika nga.
Kaya sa mga pilantropo at sa tunay ang hangaring makapagpabuti ng kalagayan ng
mabababang lebel na kawani ng lokal na pamahalaan, ayuda mula sa kabutihan
ng inyong puso ang puwede nilang asahan.
Sino kaya ang magpapasimula?