Magkahawak-hawak na itinaas ang kanilang mga kamay ng mga nahalal na bagong opisyal ng Quezon City Press Club, bilang simbulo ng kanilang tagumpay. (Mula kaliwa) - Perfecto Raymundo, Jr. - Secretary, Rick Nicolas - Director, Art Son – Sgt-at Arms, Neil Miranda - Vice President for Broadcast, Rio Araja – President, Benedict Abaygar, Jr. – Auditor, Irwin Corpuz - Vice President for Print, Jimmy Mendoza – Director, at Dolly Cabreza - Director. – QCPC

LUNSOD QUEZON – Naghalal ng mga bagong opisyal ang mga miyembro ng Quezon City Press Club, Inc. o QCPC ngayong Huwebes, Agosto 24 para sa taong 2023-2024 sa tanggapan nit sa ika-11 palapag ng New High-Rise Building ng Bulwagan ng Pamahalaang Lunsod Quezon.

Nahalal na mga bagong Executive Officer sina Rio Araja ng Manila Standard  bilang President na may botong 13, Irwin Corpuz ng Police Files – Vice President for Print – 13,  Neil Miranda ng DZME – Vice President for Broadcast -12, Perfecto Raymundo, Jr. ng MHE at Mabuhay News – Secretary -12, Belle Surara ng DZEC – Treasurer – 12,  Benedict Abaygar, Jr. ng Pilipino Mirror at Manila Times – Auditor – 13,  at Art Son ng Saksi – Sergeant-at-Arms – 12 boto.

Nahalal namang mga bagong miyembro ng Board of Director sina Allan Hobrero ng MHE na may botong 11, Dolly Cabreza ng Abante at Abante Tonite – 12, Jimmy Mendoza ng DZAR -12, Rick Nicolas ng Dyaryo Pilipino – 12, at Chris Lucas ng DZRJ – 10 boto.

Manunumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na pamunuan ng QCPC kay Mayor Joy Belmonte sa takdang panahon. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.