LUNSOD QUEZON – Mariing sinabi ng medical cannabis advocates ngayong Lunes, Agosto 21 na walang side effects ang medical cannabis basta sinusunod ang prescription ng doktor.

Sa Media Health Forum sa lunsod na ito, sinabi ni Dr. Gem Marq Mutia, isang adult medicine specialist at president ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine, “doon sa six months na gumagana ang forum eh marami po tayong mata at isip na nabuksan na dating nagbibingi-bingihan at nagbubulagan.”

“Scientifially-based po lahat ng sinasabi natin at patient-centric kaya dumikit po tayo sa formula na yon. May platform po tayo na maghayag ng katotohanan,” sabi ni Dr. Mutia.

Ayon kay Dr. Mutia, may record number of bills now. Dati paisa-isa sa 16th, 17th at 18th Congress may nag-file pero di pinansin pero ngayong 19th Congress, 9 bills sa Congress at 1 bill sa Senate.

“Indirectly at directly, nakikita na po ng tao ang kahalagahan ng medical cannabinoid,”  anang Dr.

First time in 10 years, ani Dr. Mutia na mayroon na tayong bago at updated version ng bills tungkol sa medical cannabis.

“Hindi na po debate kung nakakagamot ang medical cannabis. Pati ang DOH (Department of Health) Secretary (Ted Herbosa) nirecognize ang medical cannabis bilang gamot. Talaga pong nakakatuwa. Medyo na-uupgrade na ang discussion natin na hindi na nakakasama sa tao at hindi nakakaadik ang medical cannabis,” dagdag ni Dr. Mutia.

Tinuran pa ni Dr. Mutia na ang debate na lang po ngayon ay kung paano ireregulate ang medical cannabis na locally available at affordable at kaya nating gumawa ng generic o sarili nating gamot.

“Under RA 9165, legal ang pag-import ng narcotic drug from abroad at dalhin dito at through the compassionate special permit use. Pero isa lang ang nabigyan at hindi pa rin nakaka-access ng medical cannabis dahil sa dagdag na requirements at mahal na presyo,” sabi pa ni Dr. Mutia

Ayon din kay Dr. Mutia, hindi po sya sustainable. Kahit technically legal ang research ang medical treatment, hindi sya sustainable. THC para sa chronic pain ay approved na sa US noon pang 1996. 2018 FDA-approved ang cannabinoid para sa intractable disease.

Bukod pa sa historical use ng medical cannabis at 4,000 years ago ng gamit ang medical cannabis. Kahit si Dr. Jose P. Rizal ay nakabili ng marijuana extract sa local drugstore ibig sabihin, locally available ang medical cannabis.

“Wala pong side effects ang medical cannabis for as long as sinusunod ang prescription. Ang recreational use ng cannabis ay hindi pinapayagan, pero pwede sa mood enhancer.”
“In terms of medical cannabis, mild lang ang effects, pero hindi po reason ito para gawing illegal at stigmatize ang paggamit ng medical cannabis.” pagtatapos ni Dr. Mutia

Sinabi naman ni Dr. Richard Nixon Gomez, isang scientist at inventor, at general manager ng Bauertek Corporation “malapit na po tayo. Naka-fastrack na po tayo sa Kongreso at sa Senado. Ituloy po natin ito. Malapit na po ito. Very very soon.”

“Isang dekada na ang pakikipagpalaban ng adbokasiya ng medical cannabis pero ngayon nasa twb na at iaakyat na po sa plenary at pag pumasa na po doon. pirma na lang ng pangulo ang kailangan,” ani Dr. Gomez.

Ayon din kay Dr. Gomez, definitely, magbubukas ang pintuan ng medical cannabis sa Pilipinas. Kayang magtanim ng Pilipinas ng halaman para sa medical cannabis. Kaya ba nating magtanim, yes. Kaya ba nating magsupply, yes. We can send this to Canada, to European countries. Legal sa kanila ang medical cannabis. Sila ay nag-iimport ng buds o flowers ng marijuana from South America.
Gamot ang ipapadala natin sa US at Europe. Ang supply baka matatawa ang mga nagtatanim sa Cordillera at Kalinga, dahil tumutubo lamang yan parang damo sa kanila.

Maraming nainterview na mga guro, estudyante. almost unanimous na pabor sila sa medical cannabis. Napakaganda ng series of official series of surveys. Ilalabas pag nakumpleto na dahil nationwide ang survey.
Mula sa TWG, pupunta na sa plenary ng Kongreso at Senado at pagkatapos pupunta na sa Office of the President para sa lagda ng pangulo.

Libo-libo ng medical at clinical trials ang naisagyawa na at 60 to 70 countries na ang gumagamit ng medical cannabis.
Pag napasa na sa Kongreso at Senado, ang cannabis ay mawawal na sa RA 9165.
During ECQ, gumawa ang Bauertek ng maraming facemasks, disinfectant, at alcohol.

Bauertek is contributing to the health security of the country.
“Malakas ang kakayanan ng Bauertek. Kaya nating mag-isolate ng compounds ng halaman. Kukuha ng compounds at titimplahin sila para sa specific na gamot sa epilepsy. Kung may inhale cannabis ay makakatulong sa may epilepsy,” sabi nya.

“Nung 1960s, ipinagbawal ang cannabis. 2000s pinayagan na ang cannabis. Whether they (oppositors) agree or not, it will be legalized in the Philippines. Sigurado kasing liwanag ng sikat ng araw ang paglegalize ng medical cannabis sa Pilipinas,” dagdag nya.

Ayon pa rin kay Dr. Gomez, ang Philippine Medical Cannabis Authority ang magreregulate ng pwedeng magtanim ng marijuana within the licensed facility o may lisensya at sa labas ng licensed facility, ang PDEA na ang magreregulate.

“Buds o bulaklak ng cannabis ang malaki ang potential. There are several levels of extraction, which cannot be disclosed just yet, the first extraction of which, is oil. Bawal gamitin ang raw bulaklak at tangkay ng marijuana, dapat dumaan sya sa proseso ng pharmaceutical company para kunin ang sangkap ng marijuana,” sabi ni Dr. Gomez.

Ayon sa proposed bill sa Kongreso at Senado, ang pagtatanim ng cannabis ay hindi pwede sa harap o likod ng bahay, kailangan nasa loob ng licensed facility at kumpleto sa gamit.  
Siniguro ni Dr. Gomez na meron tayong patent rules dyan. Bilang scientist/inventor, I am sure all my inventions are properly patented.

Sinabi naman ni Dr. John Ortiz Teope, national secretary general ng Timpuyog Pilipinas, “natutuwa dahil maraming tao na po ang may nalalaman tungkol sa kabutihan ng medical cannabis. Yung isang statement ay umabot na sa halos 230,000 views. Yung konsepto ng pagbalangkas ng batas sa TWG ay magandang aspeto yan.”

“Marami po tayong pina-file o sina-suggest na bills. Pero pag ang konsepto ng komersyo ang kalaban natin, kapag pumasa ito ay maaapektuhan ang malalaking drug companies” sabi ni Dr. Ortiz.

“Sa pagbabalangakas ng batas, minsan sinasadya yata na kung meron batas may lusot at sa RA 9165, marami tayong nakikitang depekto. Wala na pong debate tungkol sa medical cannabis. Tanggap na po yan worldwide,” dagdag pa ni nya

“Timely, internationally-accepted medically. Sa puntong iyan, makikita natin nasa tao natin, sa kapwa Filipino natin. Halos karamihan, isa, dalawa o tatlo lang ang tumututol,” sabi nya.
“Hindi po ito laban ng mga adik. Ito po ay laban para sa kalusugan. Marami tayong puntong tinitingnan. Wala na tayong tinitingnan na medikal. Ang tinitingnan nila ay kailan ba natin magagamit ang medical cannabis bilang gamot para gamutin ang mga maysakit,” sabi ni Ortiz

“Walang pag-aaway o debate tungkol sa medical cannabis at sumusuporta ang mga makabayan at militante at opposition lawyers at nakikita na nila ang kahalalagan ng medical cannabis,” anang Dr..

“There are clinical trials abroad that are internationally-accepted. Dahil dito, hindi na pupunta sa abroad ang mga Filipino para magpagamot,” sabi pa nya.

“If the government would allow us to do it, we can do it. what is accepted in the human body of the Americans or Europeans, ay pwede rin naman sa Filipino,” aniya

“National security has many implications such as food security, health security concerns. The legalization of medical cannabis is a health security. Pag ito ay naisabatas, it would contribute to health security such that mababawan ang magkakasakit, mababawasan ang mamamatay. Hahaba ang buhay at gaganda ang buhay,” sabi nya.

“The health security should be given importance by our government same in food security and national security. Bigyan ng seguridad ang kalusugan at ay bayan ay yayaman,” sabi ni Ortiz.

“Mahiwaga na ang medical cannabis na nakakatulong ay ayaw gawing legal. Pero yung cannabis na medical, bawal pero ang alcohol na wala namang medical implication. Alkohol at sigarilyo nilalagyan ng sin taxes,” aniya.

“If the medical cannabis is enacted into law, many will abuse the law. Meron talagang taong gagawa at gagawa ng illegal. Dapat tutukan ngayon ay regulation at enforcement. It’s now up to the challenge of the law enforcers. Lahat ng batas and even pag may traffic light, may nagba-violate pa rin,” sabi din ni Ortiz.

“Ang medical cannabis ay magkakaroon lang ng side effects kung may abuse sa paggamit nito,” dagdag pa nya.

“It is now time for the lawmakers to pass a law giving incentives and protection to the Filipino scientist/inventors. Sana protektahan naman natin ang ating mga lokal na syentista at imbentor,” pagtatapos ni Dr. Ortiz. – Ni Perfecto T. Raymundo, Jr.