35.4 C
Bulacan
Friday, May 17, 2024
Home Blog Page 39

Progress rate ng konstruksiyon ng MRT-7, umakyat na sa 65%

0
Umakyat na sa 65% ang progress rate ng proyektong MRT-7 na tatakbo mula sa San Jose Del Monte City sa Bulacan hanggang sa Unified Grand Central Terminal sa EDSA-North Avenue, Quezon City. Nasa anim na train-sets na ang dumating sa bansa na bahagi ng kabuuang 36 train sets na may tig-tatlong bagon na magkakadugtong. - Shane F. Velasco

LUNSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Ipamamana ng Department of Transportation (DOTr) sa susunod na administrasyon ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 7 na umakyat na sa 65% ang progress rate.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, bunsod ito ng pagsisimula ng konstruksiyon ng depot o magiging garahe ng mga tren nitong MRT 7.

Anim na train sets na ang dumating sa bansa na ngayo’y pansamantalang nakagarahe sa isang bahagi ng 22-kilometro ng railway tracks. Bahagi ito ng kabuuang 36 train sets na may tig-tatlong bagon na magkakadugtong na ginawa sa South Korea.

Sa bagong target na full operation sa taong 2023, tatakbo ang mga tren ng MRT-7 mula sa San Jose Del Monte City sa Bulacan hanggang sa bubuksang Unified Grand Central Terminal sa EDSA-North Avenue sa Quezon City.

Doon literal na masasalubong ng mga tren ng MRT-7 ang mga tren ng MRT-3 na katatapos lang isailalim sa rehabilitasyon at ang LRT-1 na pinapahaba hanggang sa Cavite.

Ibig sabihin ayon kay Usec. Batan, hindi lamang magiging madali para sa mga Bulakenyo na lumuwas sa Quezon City mula sa silangang bahagi ng Bulacan, kundi maging ang pagbiyahe patungo sa iba pang bahagi ng Metro Manila at katimugang Luzon.

Kayang maglulan ang mga tren ng MRT-7 ng 300 hanggang 850 libong mga pasahero kada araw. Higit na mapapabilis ang biyahe mula sa San Jose Del Monte City hanggang sa Quezon City mula sa ngayo’y dalawang oras na magiging 30 hanggang 35 na minuto.

Nagkakahalaga ang proyektong ito ng P77 bilyon na isinakatuparan noong taong 2017 bilang bahagi ng Build-Build-Build Infrastructure Program ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.Ipinatayo ng DOTr ang MRT-7 sa pamamagitan ng sistemang Built-Operate-Transfer (BOT) na isang mekanismo ng Public-Private Partnership (PPP) kung saan ang Mass Rail Transit 7 Inc. ng San Miguel Corporation Infrastructure ang konsesyonaryo.

Binigyan ng pamahalaan ang naturang kumpanya ng konsesyon upang mamuhunan, magtayo at magpatakbo ng operasyon ng MRT-7 sa loob ng 25 na taon.

Kaugnay nito, nakatakda namang pahabain ang MRT-7 mula sa San Jose Del Monte City patungo sa New Manila International Airport (NMIA) sa Bulakan, Bulacan na tatawid sa mga bayan ng Marilao, sa ibabaw ng North Luzon Expressway (NLEX) hanggang sa makarating sa NMIA. – Shane Frias Velasco/PIA-3


Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Level 2 na

0
Ganap nang isang Level 2 hospital ang ngayo'y opisyal nang Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11720. Ito ang nagbibigay ng mandato upang direktang pangasiwaan ng Department of Health (DOH) ang nasabing ospital. - Shane F. Velasco

BAYAN NG BOCAUE, Bulacan – Pormal nang isang Level 2 hospital ang ngayo’y opisyal nang tatawagin bilang Joni Villanueva General Hospital na ipinatayo sa bayan ng Bocaue.

Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11720 na nagbibigay ng estado sa naturang ospital bilang isang ganap na general hospital.

Ayon kay Irish San Pedro, tagapagsalita ng Department of Health (DOH)-Bulacan Field Office, ang pagiging isang Level 2 na ospital ay nagbibigay ng mandato upang magkaroon ng mga pasilidad gaya ng Intensive Care Unit, pediatrics, obstetrics , gynecology, surgery, mga laboratoryong kumpleto ang kagamitan at karagdagang bed capacity.

Sa nasabi ring batas, isinasaad na ang Joni Villanueva General Hospital ay direktang maipapailalim sa pangangalaga at pangangasiwa ng DOH, mula sa ngayo’y extension facility lamang ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH) na nakabase sa San Fernando, Pampanga.

Ibig sabihin, obligasyon na mismo ng DOH na makagawa ng Hospital Development Plan gaya ng pagdadagdag ng bed capacity na kasalukuyan ay nasa 50 beds.

Kasama rin dito ang pagpapabuti ng mga health care facilities, service capability at human resource complement para sa pagiging ganap na isang general hospital.

Taong 2017 nang ipatayo ito ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue bilang isang inisyal na lokal na ospital. Pormal na binuksan noong Mayo 2021 bilang extension facility ng JBLMGH sa mga pasyenteng may mild at severe COVID-19.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, umaabot na sa P300 milyon ang nagugol sa pagpapatayo nitong Joni Villanueva General Hospital mula sa taunang pambansang badyet at sa Health Facility Enhancement Program (HFEP). Iba pa rito ang isang unit na bagong ambulansiya mula sa DOH.

Matatagpuan ang nasabing ospital sa 9,425 metro kudradong lupa malapit sa pinagtatayuan ngayon ng munisipyo ng Bocaue na ilang metro lamang mula sa Ciudad de Victoria Interchange ng North Luzon Expressway (NLEX). – Shane Frias Velasco/PIA 3

Maayos na palakad ni Warden Rivero, nagresulta nang maaliwalas na Bulacan Provincial Jail

0
Iniinspeksyon ni Ret.PCol. Marcos C. Rivero (kaliwa), Bulacan Provincial Jail Warden, katulong ang mga bantay ng panlalawigang piitan ang ginagawang produktong gawa sa abaka ng mga detinado o persons deprived of liberty na inieksport pa sa ibang bansa ng mga nagpapagawa. - Larawang kuha ni Harold T. Raymundo

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Nagresulta ng maaliwalas na Bulacan Provincial Jail o BPJ ang maayos na pamamalakad ni Ret.PCol. Marcos C. Rivero, Provincial Jail Warden ng panlalawigang piitan.

Ito ang naobserbahan at napatunayan ng Ilang mamamahayag nang magkaroon ng pagkakataong malibot ang loob ng provincial jail nitong martes, Hunyo 21 kasama si Warden Rivero.

Naging Covid-19-free muli sa kasalukuyan ang BPJ makaraang wala ng detinado o persons deprived of liberty ang apektado ng virus at nakatanggap na silang lahat ng dalawang dosis ng bakuna at booster.

Ayon kay Warden Rivero, nabakunahan na ng dalawang dosis at booster laban sa Covid-19 ang 1442 na lalaking detinado at 189 na babaeng detinado sa kabuoang
1,631 na mga PDL sa loob ng panlalawigang piitan.

 “Sinigurado ko at inasikaso na mabakunahan ang lahat ng mga inmates dito sa panlalawigang piitan para maiwasan ang hawa-hawa tulad ng nangyari noong wala pang bakunang available laban sa Covid-19,” anang warden.

Idinagdag din ni Rivero na ang pagbawas ng bilang ng mga detinado sa loob ng naturang piitan ang isa sa mga dahilan kung bakit nawala ang nasabing virus.

 “Dati, umabot sa mahigit 3,000 ang bilang ng mga inmate dito pero ngayon ay naging 1,631 na lang, kaya mas naging maluwag ang kulungan para sa mga detinado,” ani Rivero.

Bukod sa Covid-19-free sa provincial jail, ibinida din ni Warden Rivero na napanatili  niyang hindi makapasok ang lahat ng klase ng bisyo sa loob ng kulungan.

“Sa ngayon ay bawal pa ang dalaw ng mga kaanak ng mga detinado pero dahil sa pagbaba ng bilang ng may Covid-19 sa lalawigan, pinag-aaralan na rin na magkaroon ng dalaw dahil matagal-tagal na ring ibinawal ito mula nang makaranas ng pandemya ang bansa,” ani Warden Rivero.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang provincial warden na banggitin at ibida ang mga proyekto na kanyang ipinapatupad sa kasalukuyan sa loob ng naturang panlalawigang piitan.

Malapit na aniyang matapos ang itinatayong fitness gym sa loob ng provincial jail at makukumpleto na ito ngayong buwan ng Hunyo.

“Maaari itong gamitin ng ating mga jail guards pati na rin ng ilang inmates para sa pagkondisyon ng kanilang kalusugan,” saad ni Rivero.

Idinagdag din ng warden na dalawa na ang clinic sa loob ng provincial jail at may nurse sa katauhan ni Joey Cruz na laging nakaantabay sa mga inmate na nakararamdam nang hindi maganda.

Dagdag pa dito ang pagkakaroon ng convenience store sa loob ng nasabing piitan at kuwarto para sa mga inmate na gustong kausapin ang kanilang mga abogado.

Samantala, ayon naman kay Antonino Timoteo, mayor ng provincial jail, mayroon nang karagdagang kita ang mga preso habang nasa loob ng kulungan at tinatapos ang kanilang mga sentensiya dahil sa pagtatayo ng pagawaan ng handicraft sa loob ng piitan mula sa inisyatibo ni Warden Rivero.

 “Meron kaming handicraft making dito sa loob ng piitan kung saan merong 128 detinado ang nagtatrabaho dito simula alas-8 hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado at binabayaran sila dito. Bale pang-eksport ang mga ginagawa dito,” ani Timoteo.

Kasama ang manunulat ng Pahayagang Mabuhay sa ilang mamamahayag  na lumibot sa buong pasilidad at namangha dahil sa kaayusan at kalinisang natunghayan, na resulta nang maayos na pamamalakad at pagseserbisyo ni Provincial Jail Warden Marcos Rivero. 

TRB, inaprubahan ang pagtatayo ng Northern Access Link Expressway (NALEX) ng NMIA

0

BULAKAN, Bulacan (PIA) – Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang magiging kauna-unahang expressway na direktang patungo sa ginagawang New Manila International Airport (NMIA) sa Bulakan, Bulacan.

Ayon kay TRB Executive Director Atty. Alvin Carullo, naglabas na ng Supplementary Toll Operating Agreement (STOA) ang TRB para sa nasabing proyekto na opisyal na tatawagin bilang Northern Access Link Expressway o NALEX.

Ang Segment 1 ng NALEX ay ikakabit mula sa Skyway Stage 3 sa Balintawak kung saan may iniabang nang mga paunang mga poste. Dito ikakalso ang mga concrete girders para sa nasabing expressway na patungo sa proyektong NMIA sa Bulakan, Bulacan.

Nagkakahalaga ang proyekto ng P148 bilyon na popondohan ng San Miguel Corporation (SMC) Infrastructure na binigyan ng konsesyon upang mamuhunan, magtayo at magpatakbo sa NALEX.

May haba itong 19 kilometro kung saan elevated o nakataas ang unang pitong kilometro mula sa Skyway Stage 3 sa Balintawak hanggang sa pagitan ng Malabon at Obando. Mula rito ay tatawid ang NALEX sa mga ilog ng Tullahan at Muzon, patungo sa baybayin ng Bulakan at Meycauayan na may habang 12 kilometro.

Para kay Department of Public Works and Highways (DPWH)-Central Luzon Regional Director Engr. Roseller Tolentino, isang malaking hakbang at panimula ito para sa pagkakaroon ng maluwag at mabilis na daan patungo sa magiging bagong paliparan.

Maikakabit din aniya ito sa iba’t iba pang pangunahing imprastraktura na itinayo at itinatayo para sa lalong pag-unlad ng gitnang Luzon.

Bukod dito, isang malaking kontribusyon ang NALEX sa patuloy na modernisasyon ng sistema ng transportasyon at magbabangon sa industriya ng turismo ng bansa.Target matapos ang NALEX sa taong 2026 kung kailan tinatayang magsisimula ang operasyon ng NMIA.

Kaugnay nito, ang Segment 2 ng NALEX ay may habang 117 kilometro mula sa NMIA na idederecho sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX sa bahagi ng lungsod ng Tarlac. Planong itayo ito kapag nagsimula na ang operasyon ng NMIA at nitong NALEX Segment 1.

Isa ang NALEX Segments 1 at 2 sa may 22 pang bagong mga road networks at expressways na nakatakdang ipagawa sa paligid, papunta at mula sa NMIA. Ni Shane Frias Velasco/PIA3

Gob. Fernando, pinatutukan ang paglaban sa dengue

0

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Pinatutukan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglaban sa dengue dahil sa banta nito lalo na ngayong panahon nang tag-ulan .

Ipinag-utos ni muling nahalal na Gobernador Fernando ang agaran at pinagting na mga hakbang sa pag-iwas laban sa dengue sa isang online meeting na tinawag na “Collaborative Efforts for the Dengue and Prevention Control” na pinangunahan ng Provincial Health Office-Public Health (PHO-PH) nitong Miyerkules, Hunyo 22.

Sinabi ni Gob. Fernando na regular dapat isinasagawa ang fogging/spraying at ipinag-utos din ang masidhing pagbabantay sa mga apektadong lugar.

“Ang ating layunin ay babaan ang kaso ng dengue hindi lamang sa panahong ito. Ayon sa ating PHO officer, the whole year may dengue kaya dapat mandato na buwan-buwan na may fogging/spraying sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue. We should always have immediate action. Maganda na ‘yung handa dahil prevention ang pinaka mahalaga,” anang gobernador.

Inanunsiyo rin ni Fernando sa pulong ang kanyang plano na gumawa ng executive order na nag-aatas sa mga may-ari ng gusaling pangnegosyo na magsagawa ng fogging/spraying kahit isang beses sa isang buwan bilang preventive measure upang matigil ang pagkalat ng sakit na dengue.

Hinikayat naman ni Cielito Nikki Ross Gonzales, Dengue Program Coordinator ng PHO, na sundin ang enhanced 4S strategies: suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok; sarili ay protektahan laban sa mga lamok; sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue; suportahan ang fogging/spraying operations kapag may banta ng outbreak.

Inutusan din ng gobernador ang PHO-PH na magsagawa ng oryentasyon para sa mga opisyal ng barangay, health workers at mga volunteer upang paigtingin ang pagbabantay at implementasyon ng enhanced 4S strategies sa bawat barangay.

Ayon sa PHO-PH, nakapagtala na ang Bulacan ng may kabuuang 2,737 kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo 11, 2022 na mas mataas ng 54% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon kung saan karamihan sa naitalang kaso (40%) ay mula sa age bracket na 11 hanggang 20 taong gulang.

Kabilang sa mga bayan na may matataas na kaso ay ang mga bayan ng San Miguel na may 687 na kaso; San Ildefonso na may 215 kaso; Santa Maria na may 172 na kaso; Plaridel na may 83 kaso at Angat na may 73 na kaso.

Ang dengue ay isang viral disease na nalilipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng isang infected na babaeng lamok na tinatawag na Aedes na may dalang dengue virus. 

DOST Sec. de la Pena at DOST-STII  Director Burgos pinangunahan ang pagdiriwang ng Ika-11 taong anibersaryo ng STARBOOKS

0
Iginawad nina Secretary Fortunato T. dela Pena (pangalawa sa kaliwa) ng Department of Science and Technology at Director Richard P. Burgos (kaliwa) ng DOST-Science and Technology Information Institute ang Acer laptop computer kay Assistant Region 1 Director Racquel M. Espiritu (gitna) at kabuoang 20 thousand worth of gift certificate bilang papremyo sa pagkakapanalo sa Vlog Contest ng STARBOOKS. Nakamit ng DOST Region 1 ang unang puwesto sa nasabing kompetisyon sa kategoryang Deployment Officers Edition, kung saan hinatid nila noong taong 2013 ang STARBOOKS kiosk sa bayan ng Bagulin, La Union sa pamamagitan nang pagtawid sa kailugan nang naturang bayan. - Larawang kuha ni Harold T. Raymundo.

LUNSOD NG PASAY, Kalakhang Maynila – Pinangunahan ni Secretary Fortunato T. de la Pena ng Department of Science and Technology at DOST-Science and Technology Information Institute Director Richard P. Burgos ang bahagi nang pagdiriwang ng Ika-11 taong anibersaryo ng STARBOOKS nitong Biyernes, Hunyo 24 sa Philippine International Convention Center sa lunsod na ito.

Ang STARBOOKS o Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated KioskS ay  programang digital library ng DOST-STII na mayrooong mobile application na  simula pa noong taong 2020 at  mayroon na ring 5,800 sites sa buong Pilipinas.

May temang “Sana A11-Mga Istorya ng Inspirasyon ng STARBOOKS, kung saan pinarangalan ang mga nagwagi sa isinagawang Vlogging Contest sa kategoryang Individual Edition at Deployment Officers Edition.

Nasungkit ng DOST Region 1 ang unang puwesto sa nasabing kompetisyon sa kategoryang Deployment Officers Edition at nakuha naman ni Markc Esthevyn Cabiso ang unang puwesto sa kategoryang Individual Edition.

Inihayag muli ni Sec. de la Pena sa pagdiriwang ng anibersaryo ng STARBOOKS ang palagian niyang mensahe tungkol sa makabuluhang proyekto.

“STARBOOOKS  is one of the project of the DOST that is consistently included in the national priority plan,” anang kalihim.

“I feel the sense of fulfillment even for myself whenn I see our beneficiaries speaking very highly of our intervention and STARBOOKS  is one of them,” dagdag pa ni de la Pena.

Ibinuod naman sa tatlong letrang I ang  mensahe ni Director Richard P. Burgos ng DOST-Science and Technology Information Institute patungkol sa STARBOOKS, inclusion, innovation at inspiration.

Sinisiguro ng DOST-STII-STARBOOKS ani Dir. Burgos na maparami ang mga taong makaka-access sa kanilang mga kiosk maging sa mga mobile device na naging inspirasyon din ng Turkish Cooperation and Coordination Agency para mag-invest ng panimulang US$50,000.000 sa STARBOOKS.

Bago ang pagdiriwang at paggawad ng mga karangalan at papremyo sa mga nagwagi sa paVlog Contest ng STARBOOKS sa social media platform, lumagda sa kaniya-kaniyang kasunduan o Memorandum of Agreement sa STARBOOKS ang DOST-Advanced Science and Technology Institute, Indang Cavite Higlands Lions Club at Turkish Cooperation and Coordination Agency o TIKA.

Binigyang pagkilala din ni Sec. de la Pena at Dir. Burgos si Fahri Burak Aydogdu, Country Director ng TIKA para sa malaking tulong na naimbag sa pagpapanatili at lalo pang tagumpay nang programang STARBOOKS ng DOST-STII.

Natapos ang pagdriwang sa isang ceremonial toast ng lahat nang dumalo sa ika -11 taong anibersaryo ng STARBOOKS.

DTI Bulacan Undertakes Reactivation of Industry Associations in Bulacan

0
DTI Bulacan headed by Provincial Director Edna D. Dizon meet City of Meycauayan Mayor Linabelle Ruth R. Villarica to discuss possible interventions to revive the two industries (Jewelry and Tannery Industry) originally from Meycauayan.

The Department of Trade and Industry, Bulacan Provincial Office, in its move to promote innovation and sustainability as a strategy for industry development and expansion, it has undertaken steps to reactivate existing industry associations in Bulacan. 

Among the sectors included to be enhanced and reactivated are the Tannery and Jewelry Association which we believe are already sunset industries. However, in the span of times, there were underlying factors why these sectors remained in status quo or even deteriorated in operations. This included also the effects of the Covid -19 pandemic that greatly affected a lot of businesses in the entire world.

DTI-Bulacan is eyeing the creation of new industry sectors that can adopt innovations and sustainability concepts to make MSMEs cope up with the changing times. The Covid -19 pandemic has changed local economic landscape thus, it is urgent that adoption of new business models and concepts, including strengthening and reactivation of industry associations’ visibility in development process is seen crucial for the business community to thrive in this fast-changing times.

At present, the province of Bulacan is enrolled in the following priority industry sectors – Processed Fruits and Nuts, Wearable and Homestyles, Coffee, Cacao and Bamboo industry sectors.  With the enrollment of Bulacan to these sectors, DTI- Bulacan sees the urgency of having an organized bodies and association to grow and expand them. Thus, initiatives to conduct consultative meetings among existing and MSMEs engaged in the priority sectors are in the pipeline.  DTI believes that the organized Councils and associations are key towards local economic building. It is in this effort that DTI-Bulacan is working hand in hand with local MSMES engaged in the sectors in the crafting of industry plans and roadmaps so as to guide the province’s directions towards the achievement of the regional and provincial innovative and sustainable development agenda. 

DTI- Bulacan foresees the important roles of industry associations in the nation economic building. The generation of the required employment and creating economic opportunities rest on them.  Data shows that almost 96% of businesses in the country comprise mostly fo MSMEs.  With this reality, the more that government needs to further sustain its role of supporting greatly the needs of these MSMEs and DTI is taking this role in the process as it hopes to see more MSMEs grow and expand. – DTI/Bulacan

CHED Commissioner, Isinusulong ang Proklamasyon ng Pambansang Araw ng Kapayapaan

0

Nananawagan si CHED Commissioner Dr. Ronald L. Adamat na iproklama ang “National Peace Day” o “Truce Day” para isulong ang ‘pambansang pagkakaisa’ sa ilalim ng bagong administrasyon.

Sa press conference na ginanap noong ika-18 ng Hunyo, 2022, ibinahagi niya ang kanyang kasalukuyan at pinaplanong hakbangin para sa edukasyon, kapayapaan at kaunlaran, at mga karapatan ng mga katutubo. Sa kasalukuyan, siya ay gumagawa ng isang roadmap sa ilalim ng konseptong “Peace Makes One Nation, One Future”. 

Sa parehong araw, natanggap niya rin ang aktwal na parangal na Mahatma MK Gandhi for Non-violent Peace. Siya ang unang Pilipinong nakatanggap nito, at napili mula sa 258 na nominado sa buong mundo. Ang parangal ay ibinibigay taon-taon sa mga indibidwal na may makabuluhang kontribusyon sa larangan ng pagpapalaganap ng kapayapaan, agham, edukasyon at kultura sa buong mundo. Ang birtwal na seremonya ng parangal ay ginanap noong ika-27 ng Marso dinaluhan ng mga peace advocates at mga kilalang tao sa buong mundo.

I am also grateful to the leadership of HWPL Chairman Lee Man-hee. Without his blessing, my nomination and subsequent conferment of the Mahatma MK Gandhi Prize for Non-violent Peace may not have happened (Nagpapasalamat din ako sa pamumuno ni HWPL Chairman Lee Man-hee. Kung wala ang kanyang basbas, ang aking nominasyon at kasunod na pagkakaloob ng Mahatma MK Gandhi Prize for Non-violent Peace ay maaaring hindi naganap),” sabi ni Dr. Adamat.

Siya ay nominado ng 2016 awardee na si Chairman Lee Man-hee ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang non-governmental organization na nakabase sa South Korea na nagtataguyod ng kapayapaan at pagtigil ng digmaan. Pinalawak ng HWPL ang gawaing pangkapayapaan nito sa Pilipinas simula sa Mindanao sa pamamagitan ng pagsulong ng isang peace agreement sa pagitan ng mga lokal na kinatawan na kilala bilang “Mindanao Peace Agreement” na nilagdaan noong ika-24 ng Enero, 2014.

Nagsimula ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ni Dr. Adamat at HWPL noong 2017 nang dumalo siya sa international peace summit ng HWPL sa South Korea.

Sa pamamagitan ng komisyoner, ang opisyal na partnership ang CHED at HWPL sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) ay nilagdaan noong Enero 2018. Nagresulta ito sa pag-apruba ng CHED Memorandum Order No. 1 Series of 2019 na nag-uutos sa lahat ng higher educational institutions na ituro ang peace studies sa kani-kanilang kurikulum.

Itinatag din niya ang Volunteer Individuals for Peace (VIP), isang non-government organization na nagtataguyod ng kapayapaan at di-karahasan. Lumagda rin ang VIP ng partnership kasama ang HWPL noong 2019.

Mula 2019 hanggang 2022, ang HWPL ay nagsagawa na ng 14 na sesyon ng Peace Education Capacity Building Program para sa 2,551 na kaguruan sa ilalim ng CHED at Department of Education. Sa kasalukuyan, mayroong 36 na institusyong pang-edukasyon na nagtuturo ng edukasyong pangkapayapaan.

Bukod sa integrasyon ng edukasyong pangkapayapaan, nangako rin siyang magtatag ng mga peace monument sa loob ng mga kampus ng 25 state universities and colleges (SUCs) sa ilalim ng kanyang superbisyon. Nakatanggap din siya ng suporta mula sa mga SUC na magtatag ng mga Peace Club para sa mga mag-aaral dahil naniniwala siya na ‘ang mga mag-aaral ang pundasyon ng kapayapaan’. Kasama sa mga aktibidad ng club ang mga kompetisyong pangkapayapaan sa mga unibersidad at kolehiyo para sa pagsulat ng kanta, tula, at biswal na sining.

Kasalukuyang naghahanda ang kanyang grupo na magdaos ng National Peace Convention sa Oktubre ngayong taon.

HONTIVEROS NAKAHANDANG I-REFILE ANG FREE DIALYSIS FOR SENIORS ACT

0

Muling i-re-refile ni Senador Risa Hontiveros ang “Free Dialysis for Senior Citizens Act” sa 19th Congress. Ang priority legislation na ito ay sinimulan niyang isulong sa kanyang unang termino, na naging kumplikado ang huling tatlong taon dahil sa pagkalat COVID-19 sa bansa.

Ang panukala ay nananawagan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipagpatuloy ang pagbibigay ng libreng paggamot para sa mga senior citizen na sumasailalim sa dialysis. “Ramdam pa rin natin ang epekto ng pandemya. Ngayon ay may mga panibagong pasanin pa ang ating ekonomiya dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina, kaya kailangan nating patuloy na alalayan sila,” ani Hontiveros.

Paliwanag ng senadora, ang mga senior citizen ay kabilang sa mga “most vulnerable” na may Chronic Kidney Disease (CKD). Ang pagtanda ay kadalasang may kasamang mga kundisyong higit na nakompromiso ang kidney function katulad ng heart diseases, high blood pressure, and diabetes.

Ang bawat pasyente ay nangangailangan ng kabuuang 156 sessions ng dialysis para sa isang buong taon ng paggamot. Kung wala ang PhilHealth subsidy, magbabayad sila ng humigit-kumulang P12,000 kada linggo para sa mga sesyon ng dialysis. Karamihan ng mga senior citizen ay umaasa sa kanilang kakarampot na pensiyon at walang ibang pinagkukunan ng kita, kaya kailangan nila ng tulong pinansyal para sa pagpapagamot.

Pahayag ni Hontiveros, “Since then, we’ve been calling on PhilHealth to continue the free dialysis service. Every year, senior citizens would keep asking us if the free dialysis sessions would continue. Kaya sa tingin ko ay dapat nang gawing batas ito para mabigyan. ng kapanatagan ang mga lolo at lola nating umaasa rito. This isn’t just any privilege. It’s literally their lifeline. Dapat automatic na yung pagiging libre ng kanilang dialysis sessions.”

Noong Nobyembre 2020, tumulong si Hontiveros na itulak ang PhilHealth na dagdagan ang bilang ng libreng dialysis sessions mula 90 hanggang 144. Noong 2021, inihain ni Hontiveros ang Senate Bill No. 2053 o ang “Free Dialysis for Senior Citizens Act of 2021” upang matiyak na patuloy na makakakuha ng 144 free dialysis sessions ang mga senior citizens. Ito ay isang napakaimportanteng hakbang, lalo na dahil nagawan ng paraan na pagbigyan ang hiling sa gitna ng pagdurusa ng ekonomiya dahil sa pandemya.

Hinihimok din ngayon ng senadora ang Department of Health (DOH) na tutukan ang disease prevention awareness sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kampanya para sa health promotion. Kabilang na rito ang early detection ng possible renal problems sa senior citizens and pati na rin sa kabataan. Sinabi ni Hontiveros, “Mas mabuti kung makapag-focus din tayo sa prevention aspect. Ideally, dapat maiwasan natin ang paglala ng mga sakit na mangangailangan ng regular treatment gaya ng dialysis.”

SMC clears 1M tons of waste from Tullahan ahead of sched, to start clean-up of Bulacan river system this month  

0

San Miguel Corporation (SMC) has reached its goal of removing over 1 million metric tons of silt and solid waste from the length of the Tullahan River ahead of the schedule drawn up with the Department of Environment and Natural Resources (DENR).  

As of June 20, SMC’s cleanup teams have rid the river of an accumulated total of 1,029,257 metric tons of silt and waste, roughly equivalent to close to 70,000 dump trucks.  

Having met its target, SMC’s team will soon be moving on to its next mission: to clean up rivers belonging to the Marilao-Meycauayan-Obando River System (MMORS) in Bulacan.  

“We thank the DENR for its trust and confidence in our ability to get the job done. Despite the pandemic that delayed and limited our cleanup operations, we were determined to accomplish our objectives, which included removing silt and waste, increasing the river’s width and depth in shallow sections, improving navigability, and helping restore marine line,” SMC president and CEO Ramon S. Ang said.   

“What is critical now is getting all stakeholders to keep the river clean and free of garbage. This requires all of us working together. We can either go big or take small steps and build on our own individual efforts to manage our consumption and waste generation. What’s important is we start now,” Ang added.  

SMC started the P1-billion Tullahan program together with the DENR in February 2020, to complement the ongoing Manila Bay rehabilitation project. Work, however, was interrupted by the pandemic and only began in June, after the easing of pandemic restrictions.  

SMC was one of the companies that answered the DENR’s call to the private sector to clean tributaries leading to the Manila Bay, as these were identified as major sources of solid waste, including plastics.  

The company is undertaking the project at no cost to the government or taxpayers, and is part of its larger sustainability initiative to clean up major river systems and coastal areas throughout Luzon–to help mitigate some of the impacts of climate change, in particular, flooding.  

Already, SMC’s clean-up of the Tullahan River has significantly reduced severe flooding in Navotas, Malabon, Valenzuela, and Caloocan.  

Hydrographic or depth surveys conducted before and after dredging showed that sections of the river that used to only measure one to three meters in depth, are now more than three to five meters deep.  

The increased depth improves river flow and capacity to carry floodwaters out to the Manila Bay. In the last two years, areas around the river have reported lesser incidences of severe flooding. Whenever there was any flooding, waters were observed to subside faster than usual.  

Following the dredging plan laid out by the Department of Public Works and Highways (DPWH), SMC’s river cleanup operations covered an 11-kilometer stretch from the Manila Bay in Navotas to NLEX in Caloocan City.  

Since the project’s start, SMC has continued to accelerate the pace of the cleanup by investing in more equipment and hiring more personnel.  

Dredged wastes are sorted and transported to DENR-accredited and assigned disposal sites.  

Meanwhile, work to clean the MMORS in Bulacan is set to start this month. The initiative will be part of its comprehensive flood mitigation measures for the province of Bulacan, which it committed together with its New Manila International Airport (NMIA) and Airport City projects.  

A study commissioned by San Miguel Aerocity Inc., has assessed the impact of the airport development on flooding, and has identified measures to reduce the province’s long-standing flooding problems. It also studied the water flow affecting the airport site and areas within a seven-kilometer radius.  

“This study, plus our experience and learnings in the past two years in the Tullahan River, as well as our ongoing clean-up of the Pasig River, will be a huge help to our upcoming river rehabilitation effort in Bulacan,” Ang said.  

SMC’s river channel improvement plan for Bulacan involves the clean-up, widening, and deepening of the Alipit or Taliptip River, Sta. Maria River, and the Meycauayan River.  

Meycauayan River is one of seven Philippine rivers included in the world’s top 10 list of tributaries that emit the highest share of ocean plastics, according to scientific publication Our World in Data, a collaborative effort between researchers at the University of Oxford and UK-based non-profit, Global Change Data Lab.   

SMC said the river rehabilitation plan will improve these rivers’ capacity to carry excess rainwater following the removal of silt, trash, and other obstructions that restrict the free flow of water, and threaten marine ecosystem and traditional fishing grounds.  

Mabuhay News