32.5 C
Bulacan
Friday, May 17, 2024
Home Blog Page 40

Kabalikat sa Kabuhayan Farmers Market Day, inilunsad sa SJDM

0
Inilunsad ang Kabalikat sa Kabuhayan Farmer’s Market Day sa lungsod ng San Jose del Monte bilang suporta sa mga lokal na magsasaka na magkaroon ng dagdag na kita. - SM SJDM


LUNSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Inilunsad ang Kabalikat sa Kabuhayan Farmer’s Market Day sa lunsod ng San Jose del Monte bilang suporta sa mga lokal na magsasaka na magkaroon ng dagdag na kita.

Katuwang ng City Agriculture Office sa programa ang SM Foundation, Department of Social Welfare and Development o DSWD at Department of Trade and Industry o DTI.

Ayon kay City Agriculturist Flora San Felipe, tampok dito ang fresh lettuce, pinya, oyster mushroom, red lady papaya, at sari-saring gulay na pang-sinigang, pinakbet at kare-kare 

Ang mga magsasaka aniya ay sumailalim sa 12 linggong pagsasanay at tinuruan ng epektibong backyard planting at small scale farming technologies upang maitaas ang kalidad at dami ng kanilang ani.

DSWD ang tumukoy sa mga sumailalim sa pagsasanay habang ang DTI ang tumulong sa paghahanda ng mga ito sa pagnenegosyo at mga dokumento para sa business-related activities.

Mabibili ang mga nasabing gulay tuwing araw ng Biyernes sa SM City San Jose del Monte. (Vince F. Concepcion/-PIA 3)

738 Shared Towers para sa Telepono at Internet, mabilis na naitayo sa Bulacan

0
Kabilang ang mga magkakatabing Shared Passive Telecommunications Tower Infrastructure sa Marilao sa nasa 738 nang naitatayo sa Bulacan. Resulta ito ng pagtatanggal ng mga rekisito sa pagtatayo ng mga towers alinsunod sa Bayanihan to Recover As One Act o Republic Act 11494. - Ni Shane F. Velasco

GUIGUINTO, Bulacan – Sunud-sunod na naitayo sa Bulacan ang mga Shared Passive Telecommunications Tower Infrastructure na umaabot na sa 738 na mga sites.

Ayon kay Department of Information and Communication Technology (DICT)-Central Luzon Regional Director Reynaldo T. Sy, bahagi ito ng nagpapatuloy na malawakang pagtatayo ng nasabing mga towers sa bansa, upang pabilisin ang koneksiyon sa telepono at sagap sa internet.

Nagsimula ito nang maisabatas ang Republic Act 11494 o ang Bayanihan to Recover As One Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Setyembre 2020. Base sa isang probisyon nito, pansamantalang sinuspinde ang mga rekisito para sa pagtatayo ng mga towers para sa telepono at internet.

Kaya’t mabilis na naitayo ang mga imprastrakturang may kinalaman sa sektor at industriya ng information and communication technology (ICT) gaya ng mga towers, equipment, software at wireless technologies sa nakalipas na mahigit isang taon.

Bagama’t natapos na ang bisa ng Republic Act 11494, patuloy pa rin ang pagpapatayo ng mas marami pang mga kagaya nitong pasilidad sa pamamagitan ng Revised Joint Memorandum Circular 1 of 2021.

Sa puntong ito, kahit ibinalik na ang mga rekisito na kailangan sa pagtatayo ng mga towers na pansamantalang inalis ng Republic Act 11494, mas pinadali at pinabilis naman ang mga proseso upang maging tuluy-tuloy ang pagtatayo ng mga Shared Passive Telecommunications Tower Infrastructure.

Sa pangunguna ng DICT, katuwang nito sa pagpapatupad ng naturang joint memorandum circular ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Department of Health (DOH) at ang Anti-Red Tape Authority (ARTA)Kaugnay nito, sinabi ni DICT Undersecretary for Resilient Government Emergency Communication Alan Silor, maituturing na ang malawakang pagtatayo ng towers ay nakatulong nang malaki upang lumakas ang sagap sa internet at ang koneksiyon sa linya ng telepono sa bansa. 
Mula nang maitatag ang DICT noong taong 2016, nasa 9 megabits per seconds (mbps) ang karaniwang lakas ng sagap ng internet. Ngayong 2022, umakyat na sa 36 hanggang 40 mbps para sa mobile data at 60 mbps sa fixed broadband.

Pumapalo na rin hanggang sa 100 mbps naman ang lakas ng internet na ikinakabit ng DICT sa mga pangunahing lugar sa ilalim ng Free Internet Access Program. – Ni Shane F. Velasco/PIA-3

DOST-MIRDC Legacy Trophy Award

0

Hawak ni Engr. Robert O. Dizon (pang-apat sa kaliwa), Executive Director ng Metal Industry  Research and Development Center o MIRDC ang Legacy Trophy Award na igagawad kay Secretary Fortunato T. de la Pena (pangatlo sa kaliwa) ng Department of Science and Technology o DOST nitong Miyerkules, Hunyo 15 sa  Titanium Auditorium MIRDC Compound, Bicutan, Lunsod ng Taguig

Nasa larawan din ang ilan pang matataas na opisyal ng MIRDC sa pangunguna nina Dr. Agustin M. Fudolig, Deputy Executive Director for Research and Development at Engr. Jonathan Q. Puerto, Deputy Executive Director for Technical Services,
para saksihan ang paggawad ng Legacy Trophy Award habang isinasagawa ang 1st National Metals and Engineering Conference bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2022 Metals ang Engineering Week at 56 na taong anibersaryo ng DOST-MIRDC. – Larawang Kuha ni Harold T. Raymundo

PPI Regional Activity (Visayas Leg)

0

The Visayas members of the Philippine Press Institute (PPI) meet participants from various sectors in Iloilo City in-person and via Zoom on June 16 to discuss the creation of local media-citizens council in the area.

Topics tackled during this first hybrid regional activity are decriminalization of libel, voluntary right of reply, how to create a media council, and alternative dispute resolution.

“The media council is not just a channel for complaints but a way to further  professionalize the ranks in media,” said PPI executive director Ariel Sebellino. The next leg will be in Davao City.  All regional activities are being supported by Hanns Seidel Foundation (HSF). – Photo By Rogine Rogelio

Iskolar ng PSHS, nakatanggap ng international registration sa kanyang imbensyon

0
Ipinapakita at ipinapaliwanag ni Vaugh Matthew Valle (kanan), iskolar ng Philippine Science High School o PSHS-Central Visayas Campus sa Argao, Cebu ang paggamit ng kanyang imbensyon na tinawag niyang VISION, na tutulong sa mga may kapansanan sa paningin sa kanilang pang-araw araw na gawain. Kasama ni Valle sa pagkakalikha nang nasabing imbensyon na nakarehistro na sa World Intellectual Property Organization, ang kanyang gurong si Dr. Benito A. Baje (wala sa larawan). - Larawang kuha ni Harold T. Raymundo

LUNSOD NG QUEZON – Naiparehistro na sa World Intellectual Property Organization ang imbensyon ni Vaugh Matthew Valle, iskolar ng Philippine Science High School o PSHS-Central Visayas Campus sa Argao, Cebu.

Tinawag ni Valle ang kanyang imbensyon na VISION, kung saan naging katuwang niya sa pagkakalikha nito ang kanyang gurong si Dr. Benito A. Baje.

Makatutulong sa mga may kapansanam sa paningin ang VISION sa pamamagitan nang pagsusuot nito at pagbibigay sa kanila ng mga visual signal mula sa paligid nila na pinroseso ng maliit na bahagi ng naturang aparato o device.

Parang ordinaryong sunglasses lang ang aparato na makatutulong sa mga gagamit nito sa pang-araw araw nilang gawain.

May real-time feature ang VISION na pinapaganang maramdaman ang parating na tao at bagay para ma alerto ang gumagamit nito.

Mai-scan nito ang buong paligid para maipakita sa magsusuot nito ang lokasyon ng mga bagay sa kanyang kapaligiran.

May text-to-speech function din ang nasabing device na magtatranslate ng teksto sa berbal na salita na magagamit ng user kapag nakaencounter ng nakasulat na alituntunin at direksyon.

Hinikayat naman ni Executive Director Lilia T. Habacon ng PSHS System ang kanilang mga iskolar na protektahan ang kanilang mga imbensyon.

“It’s another feat for PSHS scholars. We encourage our scholars to obtain Intellectual Property Rights to protect the integrity of their works. We hope that this recognition inspire more Filipinos to research, innovate and protect their work,” ani Habacon.

Ilan pang mga imbensyon at inobasyon na Tatak Pisay, Orihinal ang Likha mula sa iskolar na kinatawan ng Central Visayas Campus at Main Campus ang buong pagmamalaking ipinaliwanag at ipinrisinta rin sa harap ng mga opisyal ng eskuwelahan at ilang mamamahayag sa pamamagitan ng video presentation  nitong Biyernes, Hunyo 17 sa PSHSC Conference Room, Diliman, Lunsod ng Quezon. –  Ni Harold T. Raymundo

171 kabataang Bulakenyo, lumahok sa Summer Sports Clinic 2022

0

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – May 171 kabataang Bulakenyo ang lumahok sa isinagawang Summer Sports
Clinic 2022 Mass Graduation kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lunsod na ito.


Ayon sa Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO), ginanap ang
nasabing sports clinic sa Bulacan Sports Complex sa Brgy. Santa Isabel mula Mayo 16 hanggang Hunyo
10, 2022.


Anila, apat na mga aktibidad sa palakasan ang binuksan kabilang ang lawn tennis, badminton, basketball
at swimming kung saan ang bilang ng mga nagparehistro ayon sa pagkakasunud-sunod ay 12, 18, 16 at
125.


Walang binayaran ang mga lumahok sa badminton habang nagbayad naman ng tig-P1,500 ang mga nag-
enroll sa lawn tennis, basketball at swimming.

Tumanggap ng medalya, sertipiko ng pagtatapos at t-shirt ang lahat ng lumahok habang tumanggap
naman ng sertipiko ng pagpapahalaga ang mga coach.


Binigyang diin naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng pagsasagawa ng naturang mga
isports hindi lamang sa pisikal na pangangatawan ngunit maging sa mental na kalusugan.
“Mahigit dalawang taon po tayong hindi nakalabas at nalimitahan kahit ang paglalaro ng iba’t ibang
sports dahil sa pandemya at ngayon po ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na muling magsagawa ng
mga ganitong programa. Hangad po ng ating Pamahalaang Panlalawigan na maging aktibo ang ating mga
kabataan sa palakasan upang makatulong hindi lamang sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan
ngunit maging ng malusog na kaisipan,” ani Fernando.

Kasabay nito, kinilala at pinagkalooban din ni Fernando ng tig-P5,000 perang insentibo at plake ng
pagkilala ang mga nagwagi sa 31 st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam kamakailan
kabilang sina Bronze Medalist Jenaila Rose Prulla ng Lungsod ng San Jose Del Monte para sa Women’s
Tennis Team Event; Silver at Bronze Medalist Christian Joseph Jasmin ng Bustos para sa Lightweight
Men’s Double Sculls at Men’s Lightweight Quadruple Sculls (Rowing); nasa Top 10 naman si Mark Lowel
Valderama ng Santa Maria para sa Cycling Event; Bronze Medalist Jorey Napoles ng Calumpit para sa
3×3 Men’s Basketball; Bronze Medalist Jaron Requinton ng Santa Maria para sa Men’s Beach Volleyball
Team Event; Gold Medalist Afril Bernardino ng Calumpit para sa Women’s 5×5 Basketball; 6 th placer
Richard Salaño ng Marilao para sa Track and Field Marathon; Silver Medalist Jhonny Morte ng Bustos
para sa Men’s 65 kg Freestyle Wrestling; Gold Medalist Christine Ray Natividad ng Pandi para sa League
of Legends, Wild Rift Women’s Team; Bronze Medalist Mark Mabazza ng Lungsod ng San Jose Del Monte
para sa Assistant Coach and Physiotherapist of 3×3 Men’s Basketball at Gold Medalist Rogen Ladon ng
Marilao para sa Men’s Boxing Team.

Mas malakas na internet connection, inilagay ng DICT sa BPC-San Jose Del Monte

0
Pormal nang pinagana ng Department of Information and Communications Technology ang ikinabit na libreng internet facility sa San Jose del Monte campus ng Bulacan Polytechnic College. (Shane F. Velasco/PIA 3)

LUNSOD NG SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan (PIA) — Pormal nang pinagana ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang ikinabit na libreng internet facility sa San Jose del Monte campus ng Bulacan Polytechnic College o BPC.

Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng National ICT Month ngayong Hunyo at ika-anim na anibersaryo ng DICT bilang isang ganap na ahensya sa bisa ng Republic Act 10844.

Ayon kay DICT Regional Director Reynaldo Sy, ito rin ay patuloy na pagpapatupad sa Republic Act 10929 o ang Free Internet Access Program.

Layunin nito na mabigyan ng libreng koneksyon sa internet ang mga mamamayan sa lahat ng mga pampublikong lugar. 

Sinabi ni BPC Management Information Systems Department Head Rosemarie Guirre na tamang-tama ang activation ng pasilidad sa nakatakdang muling pagkakaroon ng face-to-face classes sa Agosto 2022.

Makikinabang ang nasa 200 na mag-aaral na nasa mga kursong technical-vocational gaya ng Computer Secretarial at Contact Center Management.

Ipinaliwanag ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na ang Free Internet Access Program ay naaayon sa ilang target ng Sustainable Development Goals ng United Nations.

Kabilang na ang Quality Education; Gender Equality; Industry, Innovation and Infrastructure; Reduced Inequality; Partnership to Achieve the Goals.

Matutugunan aniya nito ang Digital Divide o ang hindi pagkakaabot sa koneksyon sa internet lalo na ang mga pinaka karaniwang mamamayan.

Kaya naman tutulong ang United Nations Development Programme sa DICT upang makapagsagawa ng area-based network analysis sa mga  free internet access hotspots at live sites.

Tiniyak ni UNDP-Philippines resident representative Selva Ramachandran na susuriin nila ang proyektong ito upang makita kung anu-anong uri ng mga technical training ang kanilang ipagkakaloob upang mas mapabuti ang Free Internet Access Program.

May 58 live sites at 222 hotspots sites na sa Bulacan sa ilalim ng naturang inisyatiba. – Ni Shane Velasco

PPI Regional Activity

0

Nagpakuha ng larawan ang mga opisyal ng kasaping pahayagan sa Luzon, sa buong team ng Philippine Press Institute o PPI sa pamumumo ni Chairman Rolly G. Estabillo (pangalawa sa kaliwa), Publisher ng Manila Standard at Executive Director Ariel C. Sebellino (pangalawa sa kanan), matapos ang isinagawang Regional Activity ng PPI na may paksang Incentivizing the PPI Commons and Creation of Media Councils nitong Hunyo 8 at 9 sa ALPA Hotel, Batangas City.

Isa ang Pahayahang Mabuhay na lumahok ng face to face sa nasabing aktibidad sa pangunguna ng Associate Publisher nitong si Doc. Janet Valdez kasama si Jenny Raymundo, associate editor at Harold T. Raymundo, reporter. – Larawan mula sa PPI

12 dating nagtutulak ng droga,  nagbabagong buhay sa Balay Silangan ng Meycauayan

0

LUNSOD NG MEYCAUAYAN, Bulacan – 12 dating nagtutulak nang ipinagbabawal na droga ang nagsimula sa pagbabagong buhay nitong Huwebes, Hunyo 9 sa Balay Silangan ng lunsod na ito.

Unang batch ang 12 Meycauenong repormista na piniling magbagong buhay  para na rin sa kanilang magandang kinabukasan.

Programa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA  ang Balay Silangan na suportado ng Pamahalaang Lunsod ng Meycauayan, na nagrereporma sa mga nagbebenta ng droga o drug pusher at mga may plea bargain sa mga otoridad.

Nagiging hakbang ang nasabing programa para ang mga natukoy na drug personality sa mga barangay ay mareporma sa loob ng isang buwan at  madeklarang drug-free ang kanilang barangay kalaunan.

Katuwang sa programa ang iba’t-ibang ahensiya at tanggapan ng lokal na pamahalaan para sa kanilang livelihood training, alternative learning system, legal counseling, maging spiritual counseling mula sa volunteer christian group.

Hinimok naman  ni  Mayor Linabelle Ruth Villarica ang mga repormista na matuldukan na ang kanilang masamang gawain.

“Sana ito na ang last stop sa pagtutulak ng droga at unang hakbang sa panibagong buhay na iniaalok sa inyo rito,” anang alkalde.

Sinaksihan ang pagpasok ng 12 Meycauenong nagbabagong buhay nina PLtCol. Leandro Gutierrez, Acting Chief-of-Police ng City of Meycauayan Police Station,  PDEA Provincial Officer Agent Alvin Morales, Konsehal Arnaldo Velasco, Atty. Jackelyn Pertinez,  Bayugo Barangay Captain Jose Louis Cabrera, Hulo Brgy. Capt. Paul John Prodon, Zamora Brgy. Capt. Bryan San Pedro at City Anti-Drug Abuse Council Focal Person Ella Panen. – Ni Harold T. Raymundo

Bulacan, nakiisa sa pagdiriwang ng Ika-124 na taong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

0
Hinihila ni Gobernador Daniel R. Fernando (pang-apat sa kanan) ang lubid para tumaas ang watawat ng Pilipinas habang nasa kaniyang likuran ang makasaysayang Simbahan ng Barasoain na malaki rin ang naging bahagi sa kalayaan ng ating bansa.- Larawang Kuha Ni Harold T. Raymundo

LUNSOD NG MALOLOS, Bulacan – Nakiisa ang Lalawigan ng Bulacan sa sabayang pagdiriwang ng Ika-124 na taong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas nitong Linggo, Hunyo 12 sa labas ng Simbahan ng Barasoain sa lunsod na ito.

Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paggunita sa Araw ng Kasarinlan bilang panauhing pandangal kasama sina Obispo Dennis C. Villarojo ng Diocese of Malolos, Governor-elect Alex Castro, Malolos City Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian, Rosario V. Sapitan kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines at PBGen. Matthew P. Baccay, Regional Director ng Central Luzon Police Office

“Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas ang naging tema ng pagdiriwang ngayong taon.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas na pinangasiwaan ng mga kapulisan sa Bulacan at sinundan ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog  ni Heneral Emilio Aguinaldo, una at pinakabatang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Bilang karagdagang pagpupugay sa heneral nagkaroon din ng 21-gun salute na isinagawa rin ng kapulisan.

Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ni Gobernador Fernando ang koneksyon ng nakalipas na halalan sa ating kalayaan, mula sa mga nanalong mamumuno ng ating bayan hanggang sa mga hindi pinalad mahalal muli at mga Bulakenyong nanindigan sa dikta ng kabutihan.

“Sa nga nahalal na mamumuno sa bayan, nawa’y suklian natin ang pagtitiwala ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagiging tunay na magbubunsod ng kaunlaran at tagapagtaguyod ng kapakanan ng ating kapwa, tulad ng ating mga bayani. Mahalin natin ang ating bayan ng higit pa sa ating sarili,” ani Gob. Fernando.

“Sa mga hindi pinalad muli sa nakaraang halalan, naging bahagi kayo ng pagseserbisyo sa ating lalawigan ng Bulacan.” dagdag pa ng gobernador

“At sa mga Bulakenyong may paninindigan sa tama, nananatili kang tapat sa demokrasya, itaguyod mo ang lahing Bulakenyo. Ang inyong lingkod ay nagpupugay sa iyong kabayanihan. Salubungin natin ang bagong kabanata sa kasaysayan ng ating lalawigan at bansa,” pagtatapos ni Fernando.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang ilang pinuno ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Provincial Administrator Tonette Constantino, PCol. Charlie Cabradilla, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, mga hepe ng pulis sa bawa’t bayan at siyudad ng lalawigan, ilang konsehal at punong barangay ng Lunsod ng Malolos, mga division superintendent ng Department of Education, ilang opisyal ng Bureau of Fire Protection at mga non government organization tulad ng Free and Accepted Masonry of the Philippines, Knights of Rizal at mga Bulakenyong beterano. – Ni Harold T. Raymundo

Mabuhay News